Mister na may Alzheimer's, tanging ang misis na 'Josie' ang kanyang naaalala
- Kahit mayroon nang Alzheimer's Disease, tanging ang misis na si 'Josie' ang kanyang naaalala
- Madalas na maalala na lamang ni Epifiano ang kanyang mga pasahero, ang kanyang jeep at ang 'buhay' niyang si Josie
- Kahit ang kanyang limang anak ay kanya nang nakalimutan at madalas sabihing wala naman siyang mga anak
- Nauunawaan naman daw ito ng kanyang mga anak subalit aminado ang mga ito na nami-miss nila ang dating mga ginagawa nila kasama ang ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Labis na nakakaantig ng puso ang kwento ni Epifiano Racasa na sa kabila ng pagkakaroon niya ng Alzheimer's Disease ay hindi pa rin daw nito nakakalimutan ang misis na si Josie.
Nalaman ng KAMI na nabiyayaan ng limang anak sina Epifiano ngunit tanging ang asawa niyang si Josie ang kanyang naaalala.
Mas madalas nitong maalala ang kanyang jeep at ang mga pasahero niyang naghihintay.
Masakit man ngunit nauunawaan naman ng kanyang mga anak ang kanyang sitwasyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit aminado silang nami-miss nila ang mga bagay na kanila noong nagagawa kasama ang anak.
Mabait din daw kasi talaga ang kanilang amang si Epifiano. Sinisikap daw talaga nito na ibigay sa kanilang lima ang kanilang mga pangangailangan.
Kaya naman ngayon na ang kanilang tatay na ang nangangailangan ng kalinga, itinodo na rin nila ito dahil ganoon din sila nito mahalin at pagmalasakitan.
"Masaya po kami na naaalagaan po namin siya. Dahil noon po kasi'y ganoon sila mag-alaga sa amin," ayon sa anak nina Josie at Epifiano na si Jofanne.
Pangako naman ng kanyang misis na tinatawag niyang 'buhay' niya, mamahalin niya si Epifiano hanggang sa wakas.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Brigada, GMA Public Affairs:
Hindi nalalayo rito ang kwento ng isang lolo na bagaman at mayroon ding Alzheimer's Disease, tanging ang misis na tinamaan ng COVID-19 ang naaalala. Nalagak ng ilang araw sa quarantine facility ang misis kaya naman araw-araw na ipinaliliwanag ng kanilang anak sa ama sitwasyon at kung nasaan ang misis nito.
Gayundin ang kwento ng mag-asawang parehong tinamaan ng COVID-19. Hindi raw kumakain ang misis na mayroon pa lang Alzheimer's Disease. Ngunit nang bisitahin ito ng mister na nagpapagaling din sa karamdaman, unti-unting sumigla ang asawa.
Source: KAMI.com.gh