Lolo na may Alzheimer's disease, walang ibang naaalala kundi ang misis na may COVID-19

Lolo na may Alzheimer's disease, walang ibang naaalala kundi ang misis na may COVID-19

- Nakakaluha na nakakakilig ang love story ni Lolo Rogelio na kahit may sakit na sa pagkalimot ay naaalala pa rin ang pagmamahal niya sa misis na si Lola Erlinda

- Tinamaan ng COVID-19 si Lola Erlinda kaya kinailangan siyang dalhin sa isang quarantine facility

- Araw-araw na hinahanap ni Lolo Rogelio ang kanyang misis kaya naman araw-araw ding pinaaalala ng kanyang mga apo kung nasaan ang kanilang lola

- Walang pagsidlang ng kaligayahan si Lolo Rogelio nang makauwi na ang kanyang pinakamamahal na asawa na isa sa mga naka-recover sa bagsik ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na may Alzheimer's disease, walang ibang naaalala kundi ang misis na may COVID-19

Marami ang naantig ang puso at kinilig sa kwento ni Lolo Rogelio na bagaman at may Alzheimer's disease ay hindi pa rin nakakalimutan ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Katunayan, ito lamang ang matinong alaala niyang hindi makalimutan dahil karamihan ng mga bagay na alam niya dati ay unti-unti na niyang nakakalimutan.

Nalaman ng KAMI na ang misis ng 76-anyos na lolo na si Lola Erlinda ay tinamaan pala ng COVID-19 kaya kinailangan itong dalhin sa isang quarantine facility dahil mild case lamang ito.

Dahil dito, araw-araw na hinahanap ni Lolo Rogelio ang kanyang asawa kaya naman araw-araw ding pinaliliwanag ng kanyang apo na si Jove Pascual kung na saan ang kanyang lola.

Pinaliliwanag din nila araw-araw ang kasalukuyang community quarantine dahil sa COVID-19 kung saan hindi maaring lumabas ng bahay ng tulad ni Lolo Rogelio na isa nang senior citizen.

Gayundin ang hindi maaring pagdalaw kay Lola Erlinda na pilit pa ring gustong gawin ni Lolo Rogelio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bago pa man sumiklab ang pandemya, napatingnan nina Jove ang lolo at napag-alamang mayroon na itong mild Alzheimer's disease.

Madalas na makalimutan na rin sila ng kanyang lolo gayundin ang pangalan ng mga anak at kung ilan ang mga ito.

Nakamamanghang ang malinaw na memorya ng matanda ay lahat ng tungkol sa kanyang pinakamamahal na asawa.

“Naaawa nga ako sa asawa ko e. Kung magkakasakit, ako na lang sana, huwag na siya. Syempre mahal ko ho ‘yung asawa ko kaya ganoon," pahayag ni Lolo Rogelio na miss na miss na ang kanyang asawa.

Mabuti na lamang at nakakausap niya ito sa cellphone kaya naman nagagawa niyang kumustahin ito ngunit kinukulit pa rin niya na madalaw ang misis.

Kaya naman nang tuluyang maka-recover ang misis sa COVID-19, walang pagsidlan ng kaligayahan si Lolo Rogelio.

Hangad ng kanyang pamilya na matulungan silang mapagamot ang lolo lalo na at malakas pa naman ito ngunit may sakit na lamang sa kalimot.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na binahagi sa programang "Juan Love: Pag-ibig sa panahon ng pandemya" ng GMA network:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel