Mariel Padilla, ibinahagi ang litrato noong pinapagawa pa lamang ni Robin Padilla ang bahay nila

Mariel Padilla, ibinahagi ang litrato noong pinapagawa pa lamang ni Robin Padilla ang bahay nila

- Ibinahagi ni Mariel Padilla ang dalawang pictures na kuha noong 2011 kung saan makikita sila ng asawa niyang si Robin Padilla sa isang pinapagawang bahay

- Ito umano ang regalo ni Robin sa kanya at pnapagawa pa lang ito noong mga panahong iyon

- Napabalik-tanaw naman si Robin at nasabing parang kailan lang nang ginagawa pa ang kanilang bahay

- Nitong nakaraang Agosto ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang ika-11 na taon bilang mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang throwback post ang ibinahagi ni Mariel Padilla kung saan pinakita niyang ang ilang litratong kuha sa bahay na regalo sa kanya ng asawang si Robin Padilla.

Taong 2011 umano kinuha ang mga pictures na kanyang ibinahagi. Ito ang mga panahong pinapagawa pa lamang ng kanyang mister ang regalo niya para kay Mariel.

Mariel Padilla, ibinahagi ang litrato noong pinapagawa pa lamang ni Robin Padilla ang bahay nila
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram
Throwback photo of me in 2011 when Robin was building his gift for me

Read also

Vice Ganda, pinakita ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang

Hindi naman napigilang magbalik-tanaw ni Robin at nasabi niyang "parang kailan lang."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga kasamahan nila sa showbiz ang pinusuan ang post na ito ni Mariel kabilang na sina Vina Morales, Alex Gonzaga, Danita Paner at marami pang iba.

Matatandaang nitong nakaraang Agosto ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang ika-11 na taon bilang mag-asawa.

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel