Angillyn Gorens, hindi pinalampas ang mga taong nanghuhusga sa kanyang pagiging ina

Angillyn Gorens, hindi pinalampas ang mga taong nanghuhusga sa kanyang pagiging ina

- Hindi na nakapagtimpi ang dating karelasyon ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens sa mga nanghuhusga sa kanyang pagiging ina

- Sa isang Instagram post ay inihayag ni Angillyn ang kanyang saloobin sa mga taong nambabatikos sa kanya dahil hindi niya kasama ang mga anak

- Aniya, malaking sakripisyo para sa kanya ang hindi makasama ang mga anak para lang makapagtrabaho para sa kanilang kinabukasan

- Magkahiwalay man sila ni Buboy Villar ay maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa bilang mga magulang sa kanilang dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinalagan ng dating karelasyon ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens ang mga pangbabatikos at panghuhusga sa kanyang pagiging ina lalo at hindi nito kasama ang mga anak habang siya ay nasa Amerika at naiwan ang kanilang anak dito sa Pilipinas sa pangangalaga ng kanyang pamilya.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Angillyn Gorens, hindi pinalampas ang mga taong nanghuhusga sa kanyang pagiging ina
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, hindi niya hahayaang i-bash siya lalo na kung tungkol ito sa kanyang pagiging ina. Malaking sakripisyo para sa kanya ang malayo sa kanyang mga anak ngunit ginagawa niya umno iyon para sa kinabukasan ng mga anak niya.

Nagkahiwalay man sila ni Buboy, maayos ang kanilang relasyon bilang mga magulang sa kanilang mga anak. Matatandaang nabanggit ni Buboy sa kanyang vlog na lagi silang nagkakausap at madalas magpadala ng mga pictures at videos ng mga bata si Buboy kay Angillyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag-audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang paggamit ng pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel