Ruffa Gutierrez, dedma sa naging pahayag ng isang kalahok sa ReiNanay laban sa kanya

Ruffa Gutierrez, dedma sa naging pahayag ng isang kalahok sa ReiNanay laban sa kanya

- Walang ka-ide-ideya si Ruffa Gutierrez na nag-trending siya sa TikTok kamakailan lang

- Ito ay matapos magsalita ang isang kalahok na ReiNanay laban sa kanya dahil sa umano'y pamamahiya ni Ruffa sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ang kanyang tinutukoy ay ang komento ni Ruffa sa kanya noong sumalang siya sa ReiNanay segment ng It's Showtime

- Hindi kasi napigilan ni Ruffa na ilabas ang saloobin kaugnay sa naging tanong ng ina ng nasabing kalahok kaugnay sa kawalan umano nito ng sustento sa anak niya na umano'y nakatira sa kanyang nanay

Nabanggit ng mga kasamahan ni Ruffa Gutierrez sa It's Showtime na trending siya sa TikTok at tila wala itong kaalam-alam kung bakit. Kaya naman, nang banggitin sa kanya ang tungkol sa pahayag ng isang kalahok sa ReiNanay, tila wala pa rin itong ibang reaksiyon.

Read also

Lester Llansang, delivery rider na ngayon matapos ang role sa 'Ang Probinsyano'

Ruffa Gutierrez, dedma sa naging pahayag ng isang kalahok sa ReiNanay laban sa kanya
Ruffa Gutierrez (Photo from Suhaimi Abdullah / Stringe)
Source: Getty Images

Hindi na rin niya sinagot ang naging pahayag laban sa kanya kahit sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagsalita si ReiNanay Marilyn laban sa kanya dahil sa umano'y pamamahiya ni Ruffa sa kanya dahil sa naging komento nito sa kanya noong sumalang siya sa ReiNanay segment ng It's Showtime.

Hindi kasi napigilan ni Ruffa na ilabas ang saloobin kaugnay sa naging tanong ng ina ng nasabing kalahok kaugnay sa kawalan umano nito ng sustento sa anak niya na umano'y nakatira sa kanyang nanay.

Nabanggit ng mga kasamahan ni Ruffa Gutierrez sa It's Showtime na trending siya sa TikTok at tila wala itong kaalam-alam kung bakit. Kaya naman, nang banggitin sa kanya ang tungkol sa pahayag ng isang kalahok sa ReiNanay, tila wala pa rin itong ibang reaksiyon.

Read also

Reinanay na umani ng pambabatikos, ipinagtanggol ang kanyang sarili

Si Ruffa Gutierrez ang panganay na anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Isa siyang dating beauty queen. Isa sa kanyang kapatid ay ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez na kinasal kamakailan kay Sarah Lahbati.

Kamakailan ay emosyonal na inihatid ni Ruffa ang anak niyang si Lorin Bektas sa isang university sa US.

Hindi rin niya napigilang mag-alala sa kalusugan ng kanyang amang si Eddie Gutierrez.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel