Reinanay na umani ng pambabatikos, ipinagtanggol ang kanyang sarili

Reinanay na umani ng pambabatikos, ipinagtanggol ang kanyang sarili

- Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ang isang ina matapos siyang umani ng pambabatikos

- Ito ay dahil sa naging tanong ng kanyang nanay habang nakasalang siya bilang isa sa mga kalahok sa ReiNanay sa "It's Showtime"

- Naitanong ng kanyang nanay kung pwede daw ba nitong maibalik ang pagsuporta niya sa kanyang mga anak na nasa poder ng kanyang ina

- Ayon sa kanya, nagkausap uli sila ng kanyang nanay at tinanong niya kung bakit ganoon ang kanyang tinanong sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Minabuti ng ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa na magsalita matapos siyang mabatikos at mahusgahan dahil sa naging katanungan ng kanyang ina nang sumalang ito sa nasabing segment ng It's Showtime.

Reinanay na umani ng pambabatikos, ipinagtanggol ang kanyang sarili
ReiNanay Marilyn at ang kanyang nanay (Screenshot from ABS-CBN Entertainment YouTube channel)
Source: Instagram

Ayon sa kanyang paliwanag, nilinaw niyang kaya parang paligoy-ligoy ang kanyang sagot sa tanong ng kanyang nanay ay dahil iniisip niya ang nanay niya at baka magmukha umano itong sinungaling.

Read also

K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya

Inalmahan niya ang mga negatibong komento sa kanya. Nilinaw niyang nasa kanya umano ang kanyang anak at wala sa nanay niya.

Aniya, hindi totoo ang lahat ng paratang sa kanya. Nakausap niya na rin umano ang kanyang nanay at tinanong niya ito kung ano ang dahilan kung bakit iyon ang katanungan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa nanay niya, wala lang daw siyang maisip na sasabihin.

Dagdag pa niya, imbes na maging moment niya ay bangungot umano ang nangyari sa kanya.

Binanggit niya rin ang tungkol sa isang judge na hindi raw marunong umintindi at mag-isip na namahiya sa kanya.

Ang ReiNanay ay isang segment ng noontime show na It's Showtime kung saan mga ina ang nagtutunggali. Sa nasabing segment isa sa mahal sa buhay ng contestant ang bibigyan ng pagkakataon na magtanong.

Read also

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

Sa mga iba't-ibang kwento ng buhay ng mga kalahok, hindi mapigilan ng mga host at mga staff na maapektuhan. Sa katunayan, pinangako ni John Prats na sasagutin niya ang gastos sa pag-aaral ng anak ng isa sa mga kalahok.

Maging si Vice Ganda ay sinagot ang bayad sa upa ng isang inang kasali sa ReiNanay.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel