K Brosas, kinasuhan ang taong pinagkatiwalaan niya ng 7 milyon para sa kanyang bahay

K Brosas, kinasuhan ang taong pinagkatiwalaan niya ng 7 milyon para sa kanyang bahay

- Ikinalungkot ni K Brosas ang ginawang pang-iiwan ng taong kanyang pinagkatiwalaan sa kanyang pinapagawang bahay

- Aniya, mahigit-kumulang 7 milyon na ang perang kanyang naibigay para sa kanyang bahay

- Dagdag pa niya, ilang beses siyang nakiusap, umiyak at humingi ng tulong ngunit wala pa ring nangyari

- Kaya naman, sa tulong ng kanyang abogado ay nagsampa na siya ng kaukulang kaso para sa aniya'y taong kanyang pinagkatiwalaan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na nakapagtimpi si K Brosas at naghain na siya ng demanda laban sa aniya'y taong kanyang pinagkatiwalaan sa kanyang pinapagawang bahay.

Nabanggit niyang mahigit-kumulang 7 milyon na ang perang kanyang nabibigay ngunit inabandona umano ng taong ito ang kanyang pinapagawang bahay.

K Brosas, kinasuhang ang taong pinagkatiwalaan niya ng 7 milyon para sa kanyang bahay
K Brosas (@kbrosas)
Source: Instagram
Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay.

Read also

Php20,000 na binibigay sa nangangalakal, muntik niyang tanggihan para makatulong sa iba

Dahil sa nangyari sa kanya ay lubha siyang na apektuhan at alam umano ito ng mga taong malalapit sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.

Matapos niyang gawin ang lahat, wala pa rin umanong nangyari kaya naghain na siya ng demanda.

Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Read also

Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong nag-huling habilin na siya.

Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat. Sinagot niya rin ang mga patutsada sa kanya ng mga bashers.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel