Ninang, nagulat nang malamang siya pala ang bride sa pinuntahang kasal
- Isang 66-anyos na dumating bilang isang ninang sa kasal ang nasurpresa nang malamang siya pala ang bride
- Inihanda talaga ito ng kanilang mga anak para sa pagdiriwang ng 40th wedding anniversary nila ng kanyang mister
- Naging emosyonal ang bride lalo na at maikakasal muli siya sa pangalawang pagkakataon sa kanyang minamahal
- Labis-labis din ang pasasalamat niya sa kanyang mga anak lalo na at simple lamang noon ang kanilang unang kasal
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang natuwa sa video ng isang 66-anyos na si Elizabeth Arrey kung saan inakala niyang ninang lamang siya sa kasalang siya pala ang bride.
Nalaman ng KAMI na pinaghandaan talaga ng mga anak ni Elizabeth ang kasalang ito para sa 40th wedding anniversary ng kanilang mga magulang.
Kwento ng anak ni Elizabeth sa GMA News, kinuntsaba nila ang isa niyang kaibigan na kunwaring ikakasal at kinuhang ninang ang kanilang nanay.
Gumawa pa umano sila ng pekeng invitation para lamang maipakita na totoo ang kasalan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngunit nang dumating sa venue si Elizabeth, laking gulat niyang ang mister na si Arnold ang nakaabang sa kanya sa pinto ng simbahan para sila ay ikasal muli.
Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mag-asawa na nagbirong susunod na paghahandaan ng kanilang mga anak ang 50th wedding anniversary nila.
Kamakailan, nag-viral din ang kwentong kasalan kung saan hindi inaasahang bumuhos ang malakas na ulan sa isang outdoor wedding.
Subalit imbis na itigil ang seremonya, mismong ang mga bisita ang nagdesisyon na ituloy ang kasal at hindi nila iiwan ang bride at groom.
Makikita sa kanilang larawan na basa ang lahat at matiyagang nakiisa masaksihan lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawang malapit sa kanila.
Gayundin ang isang bride na bagaman at iniwan na ng groom, matapang na itinuloy pa rin ang kanyang bridal shoot gayung mayroon na siyang wedding dress.
Ipinaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng kani-kaniyang komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh