Paolo Contis, nakiusap na tigilan na ang pangbabatikos kay Lolit Solis

Paolo Contis, nakiusap na tigilan na ang pangbabatikos kay Lolit Solis

- Nakiusap si Paolo Contis sa mga netizens na tigilan na ang pangbabatikos kay Lolit Solis

- Bilang anak ang turing sa kanya ng kanyang manager, natural lang umano na ipagtanggol siya nito kahit mali siya

- Gayunpaman, abot-abot din umano ang inabot niyang sermon at pangaral kapag silang dalawa na lang ang nag-uusap

- Nakiusap din umano siya kay Lolit na tigilan na ang pagtatanggol sa kanya ngunit nanindigan umano itong ipagtatanggol siya dahil anak ang turing niya kay Paolo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang pakiusap ang ibinahagi ni Paolo Contis kaugnay sa tumatayong manager niya na si Lolit Solis na pinuputakti ng pambabatikos dahil sa pagtatanggol nito sa kanya. Ayon kay Paolo, bilang nanay niya ay natural lamang na ipagtanggol siya nito kahit mali siya.

Paolo Contis, nakiusap na tigilan na ang pangbabatikos kay Lolit Solis
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Pinakiusapan niya na rin umano ito na itigil na ang pagtatanggol sa kanya ngunit nanindigan umano ito na ipagtatanggol siya dahil anak ang turing niya kay Paolo.

Read also

Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes

Gayunpaman, kapag sila na lamang umano ang magkausap ay pinapangaralan siya nito.

Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng ""Ang TV."" Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos sa kanya. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Kagaya ng laging paalala ng KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Ika nga, "think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel