Luis Manzano kay Derek Ramsay na 'unofficial' BFF ni Jessy Mendiola: "Video call tayo, Derek"

Luis Manzano kay Derek Ramsay na 'unofficial' BFF ni Jessy Mendiola: "Video call tayo, Derek"

- Hinamon ni Luis Manzano ang 'unofficial BFF' ng misis niyang si Jessy Mendiola na si Derek Ramsay na mag-video call sila

- Ito ay matapos na maitanong ni Luis kung sino ang maaring naging boyfriend ni Jessy sa showbiz kung hindi si Luis ang kanyang nakatuluyan

- Hindi man nasagot ni Jessy ang tanong gayung wala raw siyang maisip, nabanggit naman niya ang closeness nila ni Derek

- Dahil dito, pabirong sinabi ni Luis na itabi ang mga larawan nila ni Derek at magmumukha lamang daw itong 'may sakit'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makulit na hinamon ni Luis Manzano ang aktor na si Derek Ramsay na mag-video call sila matapos na mabanggit na 'unofficial bestfriend' ito ng kanyang misis na si Jessy Mendiola.

Nalaman ng KAMI sa pinakabagong vlog ni Luis na may pamagat na 'QUESTIONS I'VE NEVER ASKED MY WIFEY', naitanong nito ang 'If hindi ako ang naging boyfriend mo, sino ang dream mong maging Bf sa showbiz?'

Read also

Kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, kinagiliwan ng netizens

Luis Manzano kay Derek Ramsay na 'unofficial' BFF ni Jessy Mendiola: "Video call tayo, Derek"
Luis Manzano kasama ang kanyang 'wifey' na si Jessy Mendiola (Photo from: @senorita_jessy)
Source: Instagram

Wala raw maisip si Jessy, ngunit nabanggit nito ang naging closeness nila ni Derek.

"Pero pinaka-close ko, in fairness naman sa showbiz, Derek Ramsay," pahayag ni Jessy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad namang sinabi ni Luis na dati na nilang nabanggit na 'unofficial bestfriends si Jessy at Derek.

Ngunit nilinaw pa rin ni Luis ang kanyang tanong na kung magkakaroon man ng maliit na tsansa, maaring naging sina Jessy at Derek na agad namang sinagot ng kanyang misis na 'hindi, wala talaga."

Ngunit matapos ito, pabirong humingi si Luis ng picture ni Derek na kita umano ang abs nito. Sunod niya itong inaya na mag-video call.

"Sinasabi ko sa'yo, ipagtabi ang katawan natin, magmumukha kang may sakit sa akin. Magmumukha kang wala sa kondisyon," pabirong pahayag ni Luis sa aktor.

Read also

Wilbert Tolentino, nag-react sa TikTok ni Ethel Booba: "Mahal ko sila, promise"

Narito ang kabuuan ng makulit ngunit makabuluhang tanungan ng mag-asawa na mapapanood sa YouTube channel ni Luis Manzano:

Si Luis Manzano ay isa sa mga tanyag na TV host at Game show host sa Pilipinas. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Matatandaang bago pa ang kanilang kasalan, maka-ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Gayundin ang mga larawang nagsusukat siya ng wedding dress si Jessy na agad nilang nilinaw noon na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel