Kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, kinagiliwan ng netizens

Kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, kinagiliwan ng netizens

- Sa vlog na ibinahagi ni Jessy Mendiola, marami ang naaliw sa kulitan ng mag-inang Luis Manzano at Vilma Santos

- Matapos biruin ng mommy niya kaugnay sa hugis ng kanyang mukha, binalikan siya ni Luis ng biro patungkol naman sa kanyang height

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Marami din ang natuwa sa pagiging malapit nina Jessy Mendiola at ng Star for All Seasons

- Makikita din sa video ni Jessy ang asawa ni Vilma na si Ralph Recto at ang iba pang tauhan nila sa farm

Kinaaliwan ng mga viewers sa YouTube channel ni Jessy Mendiola ang kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano. Makikita sa video ni Jessy ang pagiging cool ng Star for All Seasons na mismong nagbiro sa anak kaugnay sa hugis ng mukha nito.

Kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, kinagiliwan ng netizens
Jessy Mendiola and Luis Manzano (@luckymanzano)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay pabirong tinuro ni Ate Vi ang puno ng mangga na aniya ay akala niya'y walang bunga sabay turo kay Luis at nagsabing meron pala.

Read also

Alex Gonzaga at kasamahan sa bahay, kumasa sa Bad Romance challenge

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hirit naman ni Luis, magpapahinga na umano ang ina sa politika at magbabalik sa showbiz. Biniro niya ring sa "Goin' Bulilit" mapapanood ang kanyang momskie.

Bukod sa kanilang kulitan, makikita din sina Jessie at Ate Vi na magkahawak kamay pa habang naglalakad sa kanilang farm sa Lipa, Batangas.

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Read also

Jessy Mendiola, ipinasilip ang Lipa farm nina Vilma Santos at Senator Ralph Recto

Nagkaroon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel