Alex Gonzaga at kasamahan sa bahay, kumasa sa Bad Romance challenge

Alex Gonzaga at kasamahan sa bahay, kumasa sa Bad Romance challenge

- Kinaaliwan ng netizens ang video ni Alex Gonzaga na ibinahagi sa kanyang Facebook Page

- Kasama ang kanyang Mommy Pinty, Daddy Bonoy, Uncle Jojo, ang kanyang mister na si Mikee Morada at kasambahay, kumasa sila sa usong-usong Bad Romance Challenge

- Hindi pa man umabot ng dalawang oras ay mahigit isang milyong beses na itong pinanood sa Facebook

- Ang Bad Romance Challenge ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkanta ng bawat taong kasali sa challenge ng Intro ng kantang Bad Romance

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patok na patok sa netizens ang Bad Romance challenge ng pamilya nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy kung saan nakasama nila sina Alex Gonzaga, Mikee Morada, Uncle Jojo at ang kanilang kasama sa bahay.

Alex Gonzaga at kasamahan sa bahay, kumasa sa Bad Romance challenge
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Hindi pa man tumatagal mula nang ibahagi ito ni Alex sa kanyang Facebook Page, umani na ito ng mahigit isang milyon na views mula sa mga Facebook users.

Read also

Madam Inutz, nanonood noon ng videos ng 'JoLai': "Nakaka-relate ako"

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kulit nyo Kya lage ko kayo pinapanood gustong gusto ko ung mga vlog ni Alex ksama mga parents nya God bless s inyo..
Super Good vibes! Nkkawala ng stress at lungkot Thanks always Alex G at sa buong Gonzaga Fam na always pinasasaya kaming nga netizens lalo na sa ganitong sitwasyon ng pandemya.
The best ka talaga ate Alex simple Lang magpatawa. Yung stressed ako ngayon tapos makikita ko Ito nawala stress ko sakit Tiyan kakatawa

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo

Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel