Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bitterness at jealousy

Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bitterness at jealousy

- Hindi man diretsahang sinagot ni Jinkee Pacquiao ang mga negatibong komento kaugnay sa kanyang mga mamahaling gamit at kasuotan na nakikita sa social media, napapanahon naman ang mga mensaheng kanyang ibinabahagi

- Sa halip na diretsahang banggitin ang mga taong may mga nasasabi sa kanya, nagbahagi na lamang ng mga Bible verse at quotes ang asawa ng Pambansang kamao

- Isa nga sa pinakahuling mensaheng kanyang binahagi ay ang tungkol sa mga taong may bitterness, jealousy at insecurity

- Matatandaang naging mainit na usapin kamakailan ang naging pahayag ng talk show host na si Cristy Fermin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi diretsahang sinagot ni Jinkee Pacquiao ang naging pahayag ni Cristy Fermin sa kanyang magarbong pananamit na nakikita sa kanyang social media account. Gayunpaman, marami ang naniniwalang may kaugnayan ito sa binabato sa kanyang mga isyu.

Read also

Sharifa Akeel, nilinaw ang tungkol sa "6 years" na kanyang nabanggit

Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bitterness at jealousy
Jinkee Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Instagram

Sa kanyang bagong Instagram post ay nabanggit niya ang tungkol sa sa mga taong may bitterness, jealousy at insecurity.

Aniya, kahit may mga taong kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya magugustuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Bitterness is a poison to your soul. Jealousy kills your happiness. Insecurity destroys your goodness. No matter how good you are to the people, there is always a person who hates you for no reasons. But still continue to do good to them with the love of the Lord”

Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Read also

Madam Inutz, inilabas na ang makulit at bonggang intro ng kanyang YouTube channel

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Dahil sa kanyang magarbong buhay, naibabahagi minsan ni Jinkee ang ilang mga bagay sa social media. Hindi man naging positibo ang pagtanggap ng iilan sa kanyang mga ipinapakita, pinatunayan ni Jinkee na hindi siya apektado sa mga pambabatikos sa kanya.

Kabilang ang aktres na si Agot Isidro sa pumuna sa kanyang pagbahagi ng kanyang mamahaling gamit sa social media. Pinayuhan si Jinkee ng aktres na maging sensitive naman sa mga taong naghihirap sa gitna ng pandemya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel