Sharifa Akeel, nilinaw ang tungkol sa "6 years" na kanyang nabanggit

Sharifa Akeel, nilinaw ang tungkol sa "6 years" na kanyang nabanggit

- Minabuti ng beauty queen na si Sharifa Akeel na linawin ang kanyang nabanggit na si Congressman Mangudadatu ay taong naroroon para sa kanya sa loob ng anim na taon

- Aniya ang tinutukoy niya ay noong una silang nagkakilala ni Cong. Esmael "Toto" Mangudadatu

- Hindi umano ito tumigil na magpakita ng suporta at pagmamahal sa kanya at hindi niya umano tinanggap kaagad ang panliligaw sa kanya

- Inabot man ng ilang taon, humantong sila sa pag-iisang dibdib dahil umano sa tiyagang pinamalas ni Cong. Mangudadatu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng mga reaksiyon ang pagkabanggit ni Sharifa Akeel sa kanyang social media post na si Cong. Esmael "Toto" Mangudadatu ay taong naroroon para sa kanya sa loob ng anim na taon. Kaya naman, minabuti niyang linawin ang kanyang pahayag.

Sharifa Akeel, nilinaw ang tungkol sa "6 years" na kanyang nabanggit
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (@sharifaakeel)
Source: Instagram

Aniya, ang unang pagkakilala nila ang kanyang tinutukoy. Nanligaw umano sa kanya si Cong. Mangudadatu ngunit hindi niya sinuklian ang pinakita nitong pagmamahal sa kanya.

Read also

Sharifa Akeel, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa kanyang asawa

Yes, it was 6 years ago when we first met and yes, nanligaw siya saakin nun. No, wala pa po kaming relasyon noon. No, hindi ko pa siya sinagot. And yes, hindi sya tumigil ng pagpapakita ng love niya saakin. He has been there for me without asking for anything in return. I did not return his affection then.

Nilinaw niyang etong taon na ito lamang niya napagtantong mahal niya rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

But this year, we were brought closer together by circumstances that were out of our control and this year has taught me, na siya na lang pala ang kulang sa buhay ko. Hindi kami hahantong dito kung hindi siya nagtyagang maghintay na ibalik ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin noon pa man. Kahit inabot na ng ilang taon bago ko pa marealize ito.

Read also

Niña Jose, hindi ipinagkaila ang kanyang pagpapa-inject ng lip fillers

Sharifa Akeel
Screenshot from Sharifa Akeel
Source: Facebook

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas — Asia Pacific International 2018.

Kinoronahan siya bilang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila noong October 4, 2018. Siya ang ikalimang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Asia Pacific International.

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Sharifa matapos siyang akusahan bilang kalaguyo ng isang politiko. Agad namang tinuldukan ng beauty queen ang nasabing isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel