Niña Jose, hindi ipinagkaila ang kanyang pagpapa-inject ng lip fillers

Niña Jose, hindi ipinagkaila ang kanyang pagpapa-inject ng lip fillers

- Diretsahang inamin ni Niña Jose na nagpalagay siya ng lip fillers at masaya siya sa kanyang pinagawa

- Aniya, noong una ay hindi siya sinuportahan ng asawa niya at ng pamilya niya sa kanyang gusto ngunit kinalaunan ay sinuportahan narin umano siya ng mga ito

- Dagdag pa ni Niña, wala siyang nakikitang mali na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa isang tao basta walang inaapakang iba

- Natawa na lamang ito na sa dami ng mga nangyayari sa mundo ay napansin pa ng ilan ang kanyang bibig

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ikinaila ni Niña Jose na nagpa-inject siya ng lip fillers. Ito ay kasunod umano ng pagtatanong ng ilang mga tao. Aniya, noong una ay hindi supportado ng kanyang asawa at kanyang pamilya ang kagustuhan niyang magpalagay ng fillers.

Read also

Rebel Wilson ng pelikulang Pitch Perfect, usap-usapan dahil sa kanyang transformation

Niña Jose, hindi ipinagkaila ang kanyang pagpapalagay ng lip fillers
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Gayunpaman, kinalaunan ay sinuportahan umano siya ng mga ito.

Naniniwala siyang wala namang masamang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya hangga't wala siyang tinatapakan at inaaping ibang tao.

YES. I had lip fillers ☺️ happy now? I am turning 33 years old and I believe that we can be forever young by taking care of ourselves, eating right and being happy. Yes I had my lips injected with fillers, I am happy and I feel confident. While my husband and my family did not support my decision at first

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natawa na lang siya na sa dami umano ng nangyayari sa mundo ay napansin pa ang kanyang bibig.

Ang dami nangyayari sa mundo but a few people focus on my lips hahah I love it

Read also

Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako"

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel