BF, agad na nag-propose sa nobya na nagising makalipas ang isang buwan sa coma

BF, agad na nag-propose sa nobya na nagising makalipas ang isang buwan sa coma

- Mala-fairy tale ang love story ng Pinay at nobyo nito na na-engage matapos na magising ng babae mula sa pagiging comatose

- Tinamaan ng lupus ang Pinay at kalaunan, isa pang karamdaman na naging dahilan ng kanyang pagkaka-coma

- Matiyaga ang kanyang pamilya sa pag-aalaga sa kanya at naniniwalang siya ay gagaling kahit talagang malubha at kakaiba ang kanyang sakit

- Milagro nilang maituturing ang pagkagising sa isang buwang pagkaka-coma ng babae na ngayo'y nakabalik na halos sa normal niyang buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakaantig ng puso ang kwento ng pag-asa at milagro ng Pinay na si Viktoria Cupay na naibahagi sa programang Brigada.

Nalaman ng KAMI na bukod sa tinamaan ng lupus si Viktoria, nagkaroon din siya ng kakaibang karamdaman na Viktoria ng Stevens-Johnson Syndrome. Kasabay pa nito ang pagkakaroon ng toxic epidermal necrolysis na isang mapanganib na karamdaman dahil masasabing ito'y nakamamatay na sakit sa balat.

Read also

Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"

BF, agad na nag-propose sa nobya na nagising makalipas ang isang buwan sa coma
Sina Nick at Viktoria Cupay (Brigada)
Source: Facebook

Naging comatose si Viktoria sa loob ng isang buwan ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina.

Gayundin ang kanyang nobyo na si Nick Baldo na hindi kailanman siya sinukuan sa pakikipaglaban niya sa kanyang mga karamdaman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang magising, 'mama' ang kanyang unang nasambit. Labis-labis ang saya ng kanyang ina sa pagising niya na ito gayundin ng kanyang pamilya.

Hindi naman nagdalawang isip ang Boyfriend ni Viktoria na magpropose sa kanya habang patuloy pa rin siyang nagpapalakas sa ospital.

Ngayon, engaged na ang dalawa at halos balik na rin sa normal ang buhay ni Viktoria.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Kara David sa Brigada ng GMA News and Public Affairs:

Hindi halos nalalayo ang kwento nina Viktoria at Nick sa love story ng nurse na si Khaye at ngayo'y asawa na niya si Gab.

Read also

19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay

Nagpropose kasi ang lalaki sa paglabas pa lamang ng ospital ng nurse na gumaling sa COVID-19.

Ilang buwan lamang ang lumipas, ikinasal na rin sila. Nagsilbing aral sa marami ang kwento ng kanilang pag-iibigan na masusukat ang katatagan at pagiging totoo nito nang malampasan ng nag-iibigan ang matitinding pagsubok sa kanilang pagsasama.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel