Angel Locsin at Neil Arce, ibinahagi ang isang house tour sa bahay na bigay ng pamilya ni Neil

Angel Locsin at Neil Arce, ibinahagi ang isang house tour sa bahay na bigay ng pamilya ni Neil

- Aminado ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce na hindi naging madali sa kanila ang paghahanap ng kanilang titirhang bahay

- Naisip din daw nilang isa sa kanilang condo ang titirhan nila kung wala talaga silang mahanap na bahay

- Inoffer umano ng pamilya ni Neil ang bahay na kanilang ni-renovate at nahihiya man ay malaki ang pasasalamat nila sa malaking ginhawang nagkaroon sila ng kanilang bahay

- Si Angel umano ang mas naging abala sa pag-aayos ng kanilang tahanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang tahanan na mula sa pamilya ni Neil. Aminado ang dalawa na nahirapan silang maghanap ng bahay na magiging komportable sila at malapit lang din sa kanilang mga trabaho.

Angel Locsin at Neil Arce, ibinahagi ang isang house tour sa bahay na bigay ng pamilya ni Neil
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Umabot umano sila sa puntong naisip na lang nilang sa condo na lang sila titira at pinagpilian nila kung sa condo ng aktres o sa condo ni Neil sila maninirahan.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Dahil nag-iisang anak, inoffer umano ng pamilya ni Neil ang isang bahay na anila ay ni-renovate at ni-redesign nila dahil luma na umano ang bahay na iyon.

Ayon kay Neil, si Angel ang naging abala sa pagpapaganda ng kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kanilang house tour dito:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Read also

Jamill, sinubukang ibalik ang YT channel: "Nabalitaan namin 'di na daw mababalik"

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel