Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador

Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador

- Muling naging matunog ang usap-usapang nagdadalang-tao na si Alex Gonzaga

- Ito ay matapos lumabas ang picture kung saan karga-karga niya ang anak ni Janella Salvador

- Ilang beses na ring lumabas ang bali-balitang buntis na ang vlogger ngunit ilang beses na ring pinabulaanan ito ni Alex

- Bilang isa sa pinakasikat na YouTuber sa bansa, hindi maiwasang marami talaga ang nag-aabang sa pagbubuntis ni Alex matapos nitong mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos maibahagi ang picture ni Alex Gonzaga kasama ang anak nina Janella Salvador at Marcus Patterson na si Baby Jude, muling nabuhay ang espikulasyong nagdadalang-tao na ito.

Gayunpaman, hindi pa ito itinanggi o kinumpirma ng aktres. Matatandaang ilang beses na ring lumabas ang bali-balitang buntis na ito ngunit ilang beses na ring itinanggi iyon ni Alex.

Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Bilang isa sa maituturing na may pinakamaraming followers sa YouTube at social media, marami ang nag-aabang sa mga pangyayari sa buhay ng vlogger simula nang ikasal ito noong nakaraang taon kaya ilang beses nang naitatanong sa kanya ang tungkol dito.

Read also

Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal

Narito ang ilans a mga reaksiyon ng netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parang lagi naman pinagbibintangan si Alex na buntis. Pero sabi nya noon ma puson siya talaga.
Eto yung nakakawindang sa mga bagong kasal e. After ka kulitin kung kelan ka ikakasal noon. Ngayon naman walang katapusang "buntis ka na ba?". " Kelan kayo mag aanak?" Kalowka
Malamang mabubuntis may asawa eh. Nabubuntis nga yung mga walang asawa. Charot!
Alex Gonzaga, viral dahil sa kanyang picture kasama ang anak ni Janella Salvador
Alex Gonzaga and Jude Trevor Patterson (@judetrevorpaterson)
Source: Instagram

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel