Mygz Molino, tinupad ang hiling ni Mura na magkaroon ng maaalagaang mga biik
- Muling ibinahagi ni Mygz Molino ang pangalawang bahagi ng pagpunta nila ni Mahal Tesorero sa bahay nila Mura
- Siya mismo ang naghanda at nagluto ng kanilang pagkaing pinagsaluhan kasama ang mga kamag-anak ni Mahal
- Habang nagluluto ay nakikipag-usap at nakikipagbiruan siya kina Mura at Mahal at dito niya sinabi na ibibili niya ng dalawang biik si Mura para alagaan niya
- Bukod dito ay sagot niya na rin daw ang pagkain ng mga baboy sa loob ng isang taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pagkatapos ng Pagpatok ng video na ibinahagi ni Mygz Molino ng muling pagkikita nina Mahal Tesorero at dating ka-tandem nito na si Mura, muli niyang ibinahagi ang karugtong ng kanilang pagpunta ni Mahal doon.
Sa katunayan ay umabot ng mahigit apat na milyon ang views ng unang video nila. Ang ikalawang bahagi naman ay umabot na sa mahigit isang milyon matapos lamang ang isang araw.
Sa nasabing video, ipinakita ni Mygz ang kanilang naging karanasan nang matulog sila doon. Si Mygz mismo ang nagluto ng mga pagkaing kanilang pinagsaluhan.
Habang nagluluto ay kinausap niya si Mura at dito niya nalamang gusto nito mag-alaga ng biik upang palakihin at paramihin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naikwento ni Mygz na maging ang kanyang nanay ay nag-uimpisa din umano sa pag-aalaga ng baboy. Napalago umano ng ina niya ang kanyang negosyo ngunit dahil ipinagbawal na ay napilitan silang itigil iyon.
Aniya, ibibili niya si Mura ng dalawang biik upang panimula at sasagutin din niya ang pagkain ng mga baboy sa loob ng isang taon.
Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.
Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh