RR Enriquez, naawa kay Mark Herras dahil sa umano'y pamamahiya ni Lolit Solis

RR Enriquez, naawa kay Mark Herras dahil sa umano'y pamamahiya ni Lolit Solis

- Inihayag ni RR Enriquez ang kanyang opinyon hinggil sa pagbanggit ni Lolit Solis sa umano'y utang ni Mark Herras na 30K sa kanya

- Ani RR, bilang manager ni Mark sana ay hindi na pinahiya ni Manay Lolit ang ginawang pangungutang ng aktor na para naman umano sa pambili ng gatas ng anak niya

- Binanggit din ng dating TV host-comedienne na malaki naman ang kinita niya bilang talent manager ni Mark

- Matatandaang nagsimula ang lahat nang banggitin ni Manay Lolit ang tungkol sa kanilang pag-uusap ni Mark sa kanyang weekly online show kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahan ang paglabas ni RR Enriquez ng kanyang opinyon hinggil sa isyu tungkol sa umano'y pamamahiya ni Lolit Solis sa anak-anakan nitong si Mark Herras na nangutang umano sa kanya kamakamilan ng 30K para sa pangangailangan ng anak.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Rr Enriquez, naawa kay Mark Herras dahil sa umano'y pamamahiya ni Lolit Solis
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Ani RR naawa siya kay Mark na nagtiwala umano sa kanyang manager. Gayunpaman, siya pa umano ang nagpahiya sa kanya.

Dagdag pa niya kahit pa sabihing nagkamali si Mark sa kanyang paghawak ng pera noong sikat pa siya, hindi na dapat umano siya pinahiya.

Binanggit din ng dating TV host-comedienne ang tungkol sa naging pakinabang ni Mark sa talent manager noong kumikita pa ito ng malaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang manager nya ilang milyon ba ang kinita mo sa kanya?? Para sa kapiranggot na 30k ipahiya mo sya ng ganyan?

Si RR Enriqez ay dating Kapamilya artist sa loob ng walong taon. Naging bahagi siya ng iba't-ibang palabas sa ABS-CBN kagaya ng Wowowee at Banana Split hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Read also

RR Enriquez, hindi pinalampas ang paninisi sa kanya sa pagbitiw ni Lolit Solis bilang manager ni Mark Herras

Kasalukuyan siyang karelasyon ng basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi ng kanyang pakikisimpatya si RR sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel