Neil Arce, ikinuwento ang memorable na pagpila nila sa elevator patungo sa venue ng kasalan

Neil Arce, ikinuwento ang memorable na pagpila nila sa elevator patungo sa venue ng kasalan

- Ibinahagi nina Angel Locsin ang mga 'di malilimutang eksena sa kanilang civil wedding

- Nilarawan ni Angel na 'simple pero rock' ang kanilang kasalan na dinaluhan ng malalapit na tao sa kanilang puso

- Marami ring mga makukulit ng mga pangyayari tulad ng pagpila nila sa elevator gayung limitado lamang ang bilang ng tao na makasakay

- Gayundin ang paghahanap nila ng singsing dahil 'di nila inakalang kailangan ang wedding ring sa civil wedding

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanila mismong YouTube channel, ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga hindi nila makakalimutang eksena sa kanilang kasalan.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga pangyayaring 'di malilimutan ng dalawa ay ang matiyaga nilang pagpila sa elevator upang makarating sa venue ng kanilang kasalan.

"Kami lang siguro ang bride at groom na pumila sa elevator bago ikasal," kwento ni Neil.

Read also

Neil Arce's mom to Angel Locsin: "Nakita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga ang anak ko"

Neil Arce, ikinuwento ang memorable na pagpila nila sa elevator patungo sa venue ng kasalan
Sina Angel at Neil kasama sina Dimple Romana at mister nito sa loob ng elevator. (Photo credit: The Angel and Neil Channel)
Source: Facebook

"Siyempre apat-apat lang dahil pandemic ngayon, dala-dala niya yung bouquet niya. Pumipila kami ng elevator hanggang turn namin na umakyat," dagdag pa ni Neil.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nialarawan naman ni Angel na 'simple pero rock' ang kanilang kasalan na dinaluhan lamang talaga ng mga taong malalapit sa puso nila ni Neil.

Dumagdag din umano sa pagka-memorable ng araw na ito ay ang pagkapanalo ni Hidlyn Diaz ng gold medal sa Tokyo Olympics na siyang napag-usapan nila sa simpleng reception.

Isa rin ang eksena kung saan walang dalang wedding ring ang dalawa na kinailangan pang hiramin ni Neil ang singsing ng anak upang may magamit siya sa vows nila ni Angel.

Narito ang kabuuang ng video:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Neil Arce, nanghiram muna ng singsing sa anak sa mismong seremonya ng civil wedding

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce kung saan naging emosyonal ang ina ni Neil sa seremonya gayung nakita raw nito kung gaano kamahal ni Angel ang kanyang anak.

Una na ring naiulat ng KAMI na naibahagi rin nina Angel at Neil na nawala umano ang engagement ring nila kaya bumili sila ng bago ng 'almost identical' ng orihinal.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel