Kris Aquino, sinabing hindi na sekreto ang kung sino ang taong espesyal para sa kanya

Kris Aquino, sinabing hindi na sekreto ang kung sino ang taong espesyal para sa kanya

- Matapos nga ang kanyang mensahe para sa taong itinuturing niyang espesyal, marami ang nanghula kung sino ang tinutuloy ni Kris Aquino

- Kinalaunan ay isang reply mula sa account ni Kris ang tila naging sagot sa katanungan ng marami dahil dito mismo nagpakilala ang taong tinutukoy ni Kris

- Isang netizen naman ang nagsabing sana ay ipakilala nito sa kanyang mga fans ang taong kanyang tinuturing na espesyal

- Ani Kris, hindi na sekreto kung sino ang tinutukoy niya dahil nag-reply umano ito sa kanyang troll para ipagtanggol siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kumpirmasyon mula kay Kris Aquino ang kanyang ibinahagi sa isang komento bilang tugon sa isang netizen na nagsabing sana ay ipakilala ni Kris ang taong kanyang binati sa kaarawan nito at tinuturing niyang espesyal.

Kris Aquino, sinabing hindi na sekreto ang kung sino ang taong espesyal para sa kanya
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Ani Kris, hindi na sekreto kung sino ang kanyang tinutukoy na tao dahil ito na mismo umano ang nag-reply sa isang troll gamit ang Instagram account ni Kris.

Read also

Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' at labis na mapagmahal sa pamilya

Kris Aquino, sinabing hindi na sekreto ang kung sino ang taong espesyal para sa kanya
Screenshot from Kris Aquino (facebook.com/krisaquino)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang marami ang naintriga sa post ni Kris kung saan binati niya ang isang hindi pinangalanang tao sa kaarawan nito.

Ani Kris, ang taong kanyang tinutukoy ay sinuportahan siya sa mga panahong nagdadalamhati siya at gusto din umano ito ni Bimby.

Aniya, pinaramdam nito sa kanya na safe siya at inaalagaan din daw siya nito.

Isang reply naman mula sa account ni Kris sa Instagram ang tila sumagot sa katanungan tungkol sa special someone ni Kris dahil nilagay na nito ang kanyang buong pangalan sa nasabing post. Siya si Mel Senen Sarmiento, ang dating Department of the Interior and Local Government secretary noong taong 2015 hanggang 2016.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Read also

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel