Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna

Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna

- Naisapubliko na ni Derek Ramsay ang minsang bumagabag sa nobya na si Ellen Adarna nang biglang magpositibo ito sa COVID-19

- Sinasabing 'positive control stick' ang ginamit na exit swab kay Ellen kaya lumabas itong positibo

- Ngunit matapos ang ilan pang test, lumabas naman na negatibo siya sa COVID-19 na ikinatatakot niyang makuha dahil nais niyang makasama ang anak

- Nagdulot daw ito ng matinding pangamba kay Ellen kaya para sigurado, lahat na rin silang nakasalamuha nito ay sumailalim sa swab test at lahat sila'y nagnegatibo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Derek Ramsay, marami ang nailahad ng aktor patungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan kamakailang ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna.

Nalaman ng KAMI na isa na rito ang minsan nang naging positbo ng resulta ng exit test kay Ellen Adarna na labis na ikinabahala ng aktres.

Read also

Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"

Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna
Derek Ramsay kasama ang fiancée na si Ellen Adarna (Photo: @maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ayon kay Derek, isang 'positive control stick' umano ang nagamit sa test ni Ellen kaya lumabas ito na positibo.

"I think I Want to talk about this so people will be informed what a positive control stick is. Kasi 'pag nagpa-antigen test ka, each antigen test from Abbott has a positive control stick. 'Yung wab po na 'yun, kulay pula"
"'Pag pinasok po 'yun sa ilong mo, it's going to come positive because it has coronavirus on it."

Nakunan umano ni Ellen ng video ang nasabing exit swab test na ito kaya nakita ang ginamit na stick.

"So nag-freak out si Ellen. Pinaulit namin 'yung antigen. Negative! Nagpaulit na naman ng antigen, lahat sa amin, kami nagbabayad, negative," pagpapatuloy ng paliwanag ni Derek.

Labis na nag-iingat si Ellen para na rin sa anak niyang si Elias na 20 araw niyang hindi nakasama dahil sa kontrobersyal na taping.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Derek mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Read also

Project Nightfall, nagsalita na rin ukol sa alegasyon kay Nas Daily; "It's very unfair"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. ay isang actor, model at dati ring naging VJ. Napanood siya sa mga teleserye na 'Ysabella', 'Habang May Buhay', at 'Magkaribal'. Hinangaan din ang kanyang pagiging aktor sa pelikulang 'No Other Woman, 'A Secret Affair', 'Kasal', 'One More Chance', at 'All of You'.

Kasalukuyan na siyang engaged sa kanyang nobya na si Ellen Adarna. Kamaikailan, nasangkot sa kontrobersiya si Ellen sa umano'y pagiging unprofessional niya sa taping nila ng 'John and Ellen'.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel