Alex Gonzaga, sinabihan si Luis Manzano na hugis manggang hilaw

Alex Gonzaga, sinabihan si Luis Manzano na hugis manggang hilaw

- Muling kinaaliwan ang sagutan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa Twitter

- Ito ay nagsimula nang sagutin ni Luis ang mensahe ng pasasalamat ni Robi Domingo sa paglago ng kanyang YouTube channel

- Pabiro namang sinagot ni Luis na itutumba umano nila ang isang vlogger na may initials na A.G dahil sa masyadong sakim umano ito sa subscribers

- Marami ang natawa sa sagot ni Alex kay Luis kung saan tinawag siya nitong ulong hugis manggang hilaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin sa Twitter ang sagutan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga na kinaaliwan ng mga netizens. Bilang malapit na magkaibigan, natural na sa dalawa ang matinding biruan sa social media.

Alex Gonzaga, sinabihan si Luis Manzano na hugis manggang hilaw
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Ito ay nagsimula nang sagutin ni Luis ang mensahe ng pasasalamat ni Robi Domingo sa paglago ng kanyang YouTube channel.

Read also

Loisa Andalio at Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanilang pagalingan sa English

Ang importante lil bro… magsamasama lahat ng vloggers sa mundo, kahit di vloggers sumama… may kelangan tayo itumba na isa… ayoko pangalanan… basta A.G initials nya… masyadong sakim sa subscribers… planuhin na natin ang pagtumba… basta wag pangalanan si Cathy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi ito pinalampas ni Alex at sinagot niya si Luis sa nasabing Tweet at tinawag itong ulong hugis manggang hilaw.

Hoy ulong hugis manggang hilaw wag ako.

Muli din siyang sinagot ni Luis.

Sinabi ko ba ikaw?!?!? Guilty ?!? Ikaw lang ba AG na Cathy rin pangalan na vlogger sa mundo?!!?

Sanay na ang karamihan sa biruang ito ng dalawa.

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel