New member ng RTIA, hinangaan ng marami sa bagong segment nito sa Idol in Action

New member ng RTIA, hinangaan ng marami sa bagong segment nito sa Idol in Action

- Napabilib ang marami sa bagong member ng 'Raffy Tulfo in Action' na si Atty. Sam Ferrer sa unang live appearnce nito sa 'Idol in Action'

- Matatandaang ipinagtanggol pa siya noon ni Raffy Tulfo nang hindi maiwasang ma-bash siya ng netizens nang humalili ito kay Atty. Garreth Tungol

- Marami ang humanga sa kanya dahil bukod sa pagiging abogado ay isa rin pala umano itong behavioral scientist

- Dahil dito, natuwa ang netizens at sinabing maging regular na sana ang segment ng dalawa sa 'Idol in Action

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napahanga ang mga tumatangkilik sa programa ni Raffy Tulfo nang mapanood na nila ang first TV appearance ng naging kontorbersyal na abogado ng programa na si Atty. Sam Ferrer.

Nalaman ng KAMI na si Atty. Sam ang pinakabagong miyembro ng 'RTIA team' (Raffy Tulfo in Action).

Read also

Catriona Gray, 'di na tatanggap ng mga aplikante sa 'Nas Academy' kaugnay ng Whang-Od isyu

Matatandaang una siyang isinalang sa 'Wanted sa Radyo' nang humalili siya kay Atty. Garreth Tungol.

Kontrobersyal na abogado ng RTIA, pinahanga ang marami sa appearance nito sa 'Idol in Action'
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Bumilib ang mga netizens sa tambalan nina Atty. Garreth at Atty. Sam sa segment na 'Itimbre mo kay Idol' sa programang 'Idol in Action.'

Lalo na nang mabanggit ni Atty. Sam na isa rin pala siyang behavioral scientist kaya nakapagdaragdag pa siya ng iba pa niyang kaalaman bukod sa mga legal na aspeto.

Narito ang komento ng ilang netizens na hiling pa na maging regular na ang segment ng dalawang mahusay na abogado:

"Wow, lalong magiging matatag at makakatulong ang RTIA ang gagaling ng mga lawyers at ang ganda ni Atty. Sam. Go go go Atty Garreth & Atty. Sam."
"Ang ganda ng tandem nila Atty Sam And Atty Gareth the new sensation sa Social Media. Ang galing galing din nila"
"WOW Mga matatalino,at magaling na abogado..very nice tandem.. Mam sam Ganda nyo po...At scientist ka Pala.. Galing.po...god blessed po kayong dalawa"

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

"I’m loving this! Listening to both smart ,intelligent beautiful and handsome respectively. Lawyers of RTIA plus Sir Raffy Tulfo. What a team!! Kudos guys"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matatandaang noong Hulyo 30, nagawang ipagtanggol ni Tulfo ang bagong miyembro ng kanyang legal team na si Atty. Sam Ferrer.

Ito ay dahil sa mga natanggap nitong pamba-bash sa biglaang paghalili nito kay Atty. Garreth Tungol. Hiniling ni Tulfo na itigil ang umano'y pangungutya ng mga nakapanood ng programa kung saan nakasama niya si Atty. Sam gayung isa ito sa mga mahuhusay na abogado mula sa San Beda University College of Law.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel