Aljur Abrenica, ibinahagi ang kanyang birthday message para sa anak na si Alas

Aljur Abrenica, ibinahagi ang kanyang birthday message para sa anak na si Alas

- Ibinahagi ni Aljur Abrenica ang kanyang birthday message para sa kanyang panganay na anak na si Alas Joaquin sa ika-apat na kaarawan nito

- Kalakip ng kanyang mensahe ay ang mga litrato at video nilang mag-ama na magkasama

- Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ni Kylie ang mga pictures na kuha sa birthday celebration ni Alas

- Kasama ni Kylie ang mga anak na sina Alas at Axl sa nilipatan nitong bagong bahay matapos ang kanilang paghihiwalay ni Aljur

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mensahe ang ibinahagi ni Aljur Abrenica para sa panganay na anak nila ni Kylie Padilla na si Alas Joaquin Abrenica sa pagdiriwang ng ika-apat na taong kaarawan nito.

Kalakip ng kanyang madamdaming mensahe, ibinahagi ni Aljur ang ilang video at pictures nilang mag-ama na magkasama.

Read also

Queen Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image

Aljur Abrenica, ibinahagi ang kanyang birthday message para sa anak na si Alas
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

Ayon kay Aljur, marami siyang natutunan bilang ama kay Alas. Aniya, patuloy siyang magiging mabuting ama sa mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy Birthday Anak. Nagpapasalamat ako sa blessing na binigay ka sa amin ni Ama. Wala na akong mahiling dahil kabutihan at kalinawan ang dinulot mo sa buhay namin. Proud ako Sayo, hindi ko maipaliwanag kahit musmos kapa bilang isang Tatay marami akong natututunan pa Sayo. Mahal na mahal kita at patuloy akong mabubuhay ng malakas matatag at mabuting Ama para sayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel