Nesthy Petecio, pasok sa finals; maaring maiuwi ang 2nd gold medal ng Pinas

Nesthy Petecio, pasok sa finals; maaring maiuwi ang 2nd gold medal ng Pinas

- Wagi sa semi-finals ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio matapos talunin si Irma Testa ng Italy

- Nagwagi si Nesthy sa featherweight division sa Tokyo 2020 Olympics ngayong Hulyo 31

- Sigurado na sa silver medal ang pambato ng bansa ngunit malaki ang kumpiyansa nitong maiuwi ang ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas

- Nakaantabay si Nesthy sa makakalaban niya sa finals sa sinumang mananalo sa laban ng Great Britain at Japan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio nang makalusot na siya sa semi-finals ngayong Hulyo 31.

Nalaman ng KAMI na wagi si Petecio sa featherweight division kung saan nakatunggali niya ang pambato ng Italy na si Irma Testa.

Marami ang humanga sa ipinakitang laban ng Pinay boxer gayong higit na mas mataas sa kanya ang nakalaban.

Read also

Onyok Velasco sa P2.5M incentive sa 1996 Olympics: "'Yung 50 percent wala"

Nesthy Petecio, pasok sa finals; maaring maiuwi ang 2nd gold medal ng Pinas
Filipina boxer Nesthy Petecio (@neshpetecio)
Source: Instagram

Ayon sa One News Sports, nagwagi sa mga unang round si Testa kung saan nakitang nahirapan si Petecio sa diperensya ng kanilang taas. Ngunit nang makuha na ni Petecio ang tamang diskarte at distansya, nakahabol ito.

Matapos ang split decision sa 29-28 score nila ni Testa, si Petecio ang hinirang na nagwagi ayon sa Inquirer.

Dahil dito, sasabak siya sa finals ng featherweight division na gaganapin sa Agosto 3. Maghihintay pa si Petecio sa magwawagi sa laban ng Great Britain at Japan na siya niyang makakatunggali niya ayon sa GMA News.

Marami ang nagsasabing malaki ang kumpiyansa nitong masungkit ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa Olympics habang sigurado naman na ang silver medal nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nesthy Alcayde Petecio ay isang 29-anyos na Filipina boxer na nakilala nang makuha nito ang gintong medalya sa 2019 AIBA Women's World Boxing Championships. Mula Enero ng 2015, tinagurian siyang number 2 sa Women's 57 kg. category sa Amateur International Boxing Association.

Read also

Chito Miranda at Neri Naig, kinaaliwan sa kanilang mga hirit sa programa ni Raffy Tulfo

Marami ang nagdarasal at naniniwalang makukuha ni Nesthy ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas mula sa Olympics. Una itong nakamit ni Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting.

Ipinagmamalaki sila ng sambayanang Pilipinas lalo na at nakikila sila sa husay ng larangan ng Sports na inaakala ng iba na mas nabibigyang husay lamang ng mga kalalakihan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica