Hair stylist ni Bea Alonzo, nataranta matapos akalaing malubha ang lagay ng aktres

Hair stylist ni Bea Alonzo, nataranta matapos akalaing malubha ang lagay ng aktres

- Sa unang pagkakataon ay prank ang ginawa ni Bea Alonzo sa kanyang video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Ang kanyang napiling biktimahin ay ang kanyang hair stylist na aniya ay maalaga at maalalahanin sa kanya

- Naglagay siya ng tableta na toothpaste sa kanyang bibig upang maging props sa "pagbula" ng kanyang bibig

- Bago pa ito maganap ay pinainom siya ng gamot ng kanyang hair stylist kaya lalo itong nataranta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakita ni Bea Alonzo ang kanyang pagiging prankster sa bagong video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel. Kung karaniwan ay seryoso ay motivational ang kanyang mga video, sa unang pagkakataon ay isang prank video ang ibinahagi ni Bea.

Hair Stylist ni Bea Alonzo, nataranta matapos akalaing malubha ang lagay ng aktres
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Napili niyang biktimahin ang kanyang hair stylist na aniya ay maalaga talaga sa kanya. Matapos siyang bigyan ng gamot ay umarte si Bea na sumama ang kanyang pakiramdam.

Read also

Andrea Brillantes, inaming ilang beses nang ginustong mag-quit sa showbiz

Pinakita niya pang bumula ang kanyang bibig. Bago pa man naganap ang prank ay naglagay na ng toothpaste si Bea na tablet form sa kanyang bibig.

Kitang-kita ang pagkataranta ng kanyang hair stylist na muntikan nang tumawag ng ambulansiya kung hindi lang napigilan ni Bea. Maging ang kanyang kasama sa bahay ay nataranta din.

I-click ang sumusunod na link para mapanood ang prank video ni Bea.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel