Andrea Brillantes, inaming ilang beses nang ginustong mag-quit sa showbiz
- Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang reaksiyon sa mga mean comments sa kanya
- Aniya, hindi niya pa ito nababasa dahil ang kanyang ate ang pumili ng mga mssages na iyon na mula sa kanyang mga haters
- Isang netizen ang nagsabing sana ay mag-quit na lang daw si Andrea sa showbiz
- Ayon kay Andrea, matagal niya nang gustong tumigil ngunit hindi niya lang magawa lalo at siya ang breadwinner ng kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi inatrasan ni Andrea Brillantes ang mga mean comments sa kanya ng mga haters niya sa social media. Habang kumakain ay isa-isang sinagot ni Andrea ang mga negatibong komento sa kanya.
Kabilang nga sa mga mensaheng ito ay sana daw tumigil na si Andrea sa pag-aartista.
Sagot naman ni Andrea, matagal niya nang gustong mag-quit sa showbiz ngunit hindi iyon madali para sa kanya lalo at siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.
Dahil sa kanyang responsibilidad, hindi niya kaagad mabitawan ang pag-aartista. Aniya, nag-iipon siya para makapag-early retirement siya sa showbiz upang magkaroon ng mas tahimik na buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh