Andrea Brillantes, sinabing wala na siyang pakialam sa kanyang haters
- Hindi pinalampas ni Andrea Brillantes ang pagkakataon na magbigay ng mensahe sa lahat ng kanyang haters matapos niyang mabasa ang ilan sa mga mean comments sa kanya
- Aniya, kung hindi nila gusto kung ano si Andrea hindi din niya gusto ang mga bashers
- Dagdag pa ni Andrea, ang pinagkaiba niya sa mga bashers niya, mas may pakialam sila sa kanya at siya umano ay walang pakialam sa mga haters niya
- Tinawanan na lamang ng dalaga ang lahat ng mga bashers niya at pabiro pang hinamon ang mga ito na mas magalit pa sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang mensahe ang iniwan ni Andrea Brillantes para sa lahat ng kanyang bashers. Ito ay matapos niyang mabasa ang ilan sa mga hate comments sa kanya sa social media.
Ani Andrea, wala namang pinagkaiba ang nararamdaman niya sa mga bashers na ayaw sa kanya. Gayunpaman, siya daw ay walang pakialam sa mga bashers samantalang ang mga ito ay pinapakialaman siya.
Marami sa mga mean comments ay base sa kanyang ginampanang mga role sa teleserye kagaya na lamang sa kadenang ginto.
Nilinaw niyang bilang artista, sumusunod lamang siya sa pinapagawa sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh