Julia Montes, kinabiliban ng mga netizens sa kanyang pagiging asintado
- Ibinahagi ni Julia Montes ang isang video kung saan pinakita niya ang kanyang husay sa pag-aasinta
- Marami ang napahanga sa husay niya at iilang tira lamang niya ang sumablay
- Matatandaang bumida na si Julia sa teleseryeng "Asintado" kung saan pinakita niya ang husay sa paggawa ng mga action scenes
- Nakatakdang mapanood si Julia sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsiyano" kasama ang napapabalitang kasintahang si Coco Martin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa pinakitang husay ni Julia Montes sa target shooting. Bukod sa pinakita niyang husay sa paghawak ng baril kaunti lamang sa kanyang mga tira ang hindi tumama sa target.
Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagbilib sa pinamalas na husay ng aktres:
Worth it maging fan mo kci kahit san dalhin mapa comedy drama or actions walang tapon.
Wow galing mo Ms.Julia montes excited nko mapanood ka sa FPJ ang Probinsyano
Congrats jul..remind me of asintado.never ko namiss un mga episodes..excited to watch ang probinsyano with you and sir coco
Matatandaang unang pinamalas ni Julia ang husay niya sa paghawak ng baril sa teleseryeng Asintado kung saan bumida siya kasama sina Shaina Magdayao, Paulo Avelino at Aljur Abrenica
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".
Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh