Loisa Andalio, nagpaliwanag kaugnay sa post noong 2014, na muling nag-viral

Loisa Andalio, nagpaliwanag kaugnay sa post noong 2014, na muling nag-viral

- Isang post noong 2014 mula sa social media account na nakapangalan kay Loisa Andalio ang naging usap-usapan

- Sa nasabing post makikita na kasama ni Loisa sina Janella Salvador at si Michelle Vito

- Gayunpaman, makikita sa caption na si Janella lamang ang nabanggit at hindi raw kilala si Michelle

- Minabuti ni Loisa na magpaliwanag kaugnay dito matapos umani ng mga reaksiyon ang post na ito na hindi umano siya ang nagbahagi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ni Loisa Andalio na linawin ang kaugnay sa isang social media post noong 2014 kung saan makikita ang dalawang pictures na kasama niya sina Janella Salvador at Michelle Vito.

Loisa Andalio, nagpaliwanag kaugnay sa post noong 2014, na muling nag-viral
Loisa Andalio (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing post dahil sa caption na "With Janella Salvador and [hindi ko kilala.]

Lumabas tuloy ang espikulayong may sama ng loob si Loisa kay Michelle. Mayroon ding nakapagsabi ng hindi maganda kay Loisa dahil dito.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Ibinahagi ni Loisa ang screenshot ng nasabing post at nilinaw na hindi siya ang nagbahagi niyon. Inalmahan niyang siya ang nasisisi gayong hindi siya ang nag-post ng mga pictures.

Nilinaw niya ring magkaibigan sila ng aktres na si Michelle.

Sana po malinawan na kayo. Ches Velasco, Bakit naman kasi hindi mo kilala si Michelle Vitto. Ako tuloy nasisi. fyi. friends po kami ni Michelle.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Si Loisa ang kasintahan ng aktor na si Ronnie Alonte sa totoong buhay. Kamakailan ay pinabulaanan nila na sila nagsasama na sa isang bahay.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel