Chad Kinis, nagtagumpay sa kanyang triple prank kay Kid Yambao

Chad Kinis, nagtagumpay sa kanyang triple prank kay Kid Yambao

- Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Chad Kinis kung saan nakasama niya si Kid Yambao

- Lingid sa kaalaman ni Kid, tatlong prank pala ang nakahanda para sa kanya habang naroroon siya sa Beks Battalion house

- Maging ang mga kasamahan ni Chad sa BB house ay kinuntsaba niya sa kanyang prank

- Kinaaliwan din ng netizens ang reaksiyon ni Kid habang inaawat niya sina Tetay at Chad na kunwari ay magkakasakitan na dahil sa kanilang naging sagutan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Success ang triple prank ni Chad Kinis sa Hashtags member na si Kid Yambao. Ito ay matapos dumalaw ni Kid sa Beks Battalion house at napagkasunduan nila ni Chad na sasali siya sa vlog nito.

Beks Battalion, idinaan sa prank ang pagbibigay ng bonus sa kanilang karpintero
Beks Battalion (@beksbattalionshop)
Source: Instagram

Lingid sa kanyang kaalaman ay tatlong beses siyang ma-pa-prank sa kanyang guesting sa vlog ni Chad.

Ang unang prank ay nang pakainin siya ni Chad ng sobrang alat na pagkain. Ginulat din siya nang pumunta sila ni Chad sa jacuzzi para sana doon gawin ang lie detector challenge.

Read also

Awra Briguela, nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Chad Kinis

Ang pinakahuli at intense na prank ay ang kunwaring pagkakainitan nina Chad at Tetay na kunwari ay humantong na sa pisikalan ang kanilang sagutan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel