Beks Squad, kinaaliwan ng netizens sa kanilang Squid Gays game

Beks Squad, kinaaliwan ng netizens sa kanilang Squid Gays game

- Kinaaliwan ang ibinahaging video ni Chad Kinis kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan na kanyang tinawag na The Beks Squad

- Naglaro sila hango sa sikat na Netflix series na The Squid Game kung saan isang manika ang lumilingon sa mga kalahok para makita kung sino ang gumagalaw

- Imbes na barilan, isang water hose ang kanilang ginamit para sa mga manlalarong matatanggal

- Umani ng mga reaksiyon ang video ng ito na kinabibilangan ng Beks Battalion, Beks Friends at iba pa nilang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ni Chad Kinis sa kanyang YouTube channel. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na kanyang tinawag na The Beks Squad.

Beks Squad, kinaaliwan ng netizens sa kanilang Squid Gays game
Beks Battalion (@beksbattalionshop)
Source: Instagram

Naglaro sila hango sa sikat na Netflix series na The Squid Game kung saan isang manika ang lumilingon sa mga kalahok para makita kung sino ang gumagalaw. Imbes na barilan, isang water hose ang kanilang ginamit para sa mga manlalarong matatanggal. Umani ng mga reaksiyon ang video ng ito na kinabibilangan ng Beks Battalion, Beks Friends at iba pa nilang mga kaibigan.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang mga reaksiyon ng netizens:

rabe, sakit ng tiyan ko sa katatawa, cute nyo . More, more, more pls. Nawawala lungkot ko, kc i'm a widow, alone sa bhay. Medyo gabi n kc uwi ng daughter ko. Thank you, Chad. You're very creative. God bless to al
Gusto ko po yung costume ninyo na squid games theme especially yung doll costume ninyo, Kuya Chad. Saan po ninyo pinagawa or binili? Thank you More games pa po with the BB squad.
Ito ung totoong content! Pinag isipan at pinaghandaan.. Nice one Chad! Ang saya! Go beks squad!

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Read also

LJ Reyes, diretsahang sinabing hindi madali para sa kanyang patawarin si Paolo Contis

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel