Winwyn Marquez, ibinahagi ang muling pagkikita nila ni Mark Herras

Winwyn Marquez, ibinahagi ang muling pagkikita nila ni Mark Herras

- Sa kanyang vlog, sinagot ni WinWyn Marquez ang ilang katanungan sa kanya ng mga netizens

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay kung okay na sila ng kanyang ex-boyfriend

- Kahit hindi pinangalanan ng naagtatanong ang tinutukoy nito, alam ni WinWyn na si Mark Herras ang tinutukoy nito

- Aniya, nagkasama na sila sa trabaho matapos ang kanilang paghihiwalay at ayos naman umano sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naikwento ni Winwyn Marquez ang pagkikita nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras. Nagkatrabaho umano sila at nagkaroon ng dance number na magkasama.

Winwyn Marquez, ibinahagi ang muling pagkikita nila ni Mark Herras
Winwyn Marquez (@teresitassen)
Source: Instagram

Aniya, maayos naman ang pagkikita nila dahil matagal niya rin umano itong naging kaibigan at sa tingin niya ay walang masama na maging magkaibigan sila. Masaya umano siya para kay Mark na may anak na sa kasalukuyan.

Tatlo lang umano ang naging boyfriend ni Winwyn. Yung non-showbiz boyfriend niya bago si Mark, si Mark at ang kasalukuyan niyang boyfriend na aniya ay non-showbiz din.

Read also

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

Inamin din ni Winwyn na nasabihan siyang magpagawa ng ilong at magpapayat bago siya pumasok sa showbiz. Pinabulaanan niya rin ang akusasyon na nagpagawa siya ng ilong.

Sinagot din ni Winwyn ang tanong kung bakit hindi siya sumali sa Miss Universe. Aniya sa tingin niya ay overage na siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Anak siya ng komedyanteng si Joey Marquez at Alma Moreno. Kamakailan ay kinaaliwan ang sayaw ng mag-inag Winwyn at Alma.

Sinagot din ni Winwyn ang pang-uudyok sa kanya ng ilang netizens na sumali siya sa Miss Universe.

Read also

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel