Kylie Padilla, ibinahagi ang tungkol sa unang gabi nilang mag-iina sa bagong bahay
- Sa kanyang Instagram Story ibinahag ni Kylie Padilla ang kanyang damdamin sa kanilang unang gabi sa kanilang bagong bahay
- Kasama niya umano ang dalawang anak nila ni Aljur Abrenica na sina Alas at Axl
- Sa kabila umano ng lahat ng nangyari masaya at nagpapasalamat pa rin ang aktres
- Aniya, marami sa mga bagay na ninais niyang maganap ay natutupad kaya siya ay masaya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kanilang unang gabi sa kanilang bagong bahay, ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang saloobin. Aniya, sa kabila ng mga nangyari masaya siya at nagpapasalamat na ilan sa mga nais niya ay unti-unting natutupad.
First night at our new place. I can hear the rain outside as my two boys drift to sleep. I have a link back pain from exhaustion but I'm thankful for every moment. I am incredibly thankful and happy despite everything. A so many things that I manifested arc now happening. hunk you universe. I promise to strive to be good, to be better. Life is amazing. Goodnight everyone.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.
Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.
Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh