Ama ng nasawing flight surgeon sa C-130 crash, emosyonal para sa naulilang pamilya ng anak
- Nagpaunlak ng panayam ang ama ng nasawing flight surgeon sa C-130 crash na naganap noong Hulyo 4
- Labis silang nalulungkot sa sinapit ng flight surgeon na dati'y pinipigilan pa niyang pumasok sa Air Force
- Nang huli niya itong makausap patungkol sa pagpunta nila ng Jolo, sinabihan pa niya ito na baka labis na mapanganib ang kanyang pupuntahan
- Hindi na napigilang maiyak ng ama nang ikuwento na nito ang reaksyon ng anak ng flight surgeon na wala pang alam sa nangyari
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Na-cremate na ang labi ng flight surgeon na si Capt. Nigel Emeterio na isa sa mga nasawi sa pag-crash ng C-130 plane noong Hulyo 4.
Sa panayam ng ABS-CBN News sa ama nitong si Pedro Emeterio, sinabing napag-usapan na umano ng kanyang anak at asawa nito na ipapa-cremate ang kanilang bangkay, sinuman ang mauna sa kanila.
Kwento pa ng ama, tutol sila sa pagpasok sa Air Force ng anak ngunit hindi raw ito paawat dala ng dedikasyon sa serbisyo.
At nang huli niya nga itong makausap kaugnay sa pagpunta sa Jolo, muli niyang nasabi ang pag-aalala para sa anak.
"Sabi ko napaka-risky na trabaho 'yan anak, e ngayon ang sabi niya sa akin 'daddy gusto ko talaga makapasok sa government hospital, pagbigyan mo ako dito"
Kaya nang malaman niyang kasama ang anak sa mga nasawi, ganoon na lamang ang hinagpis niya sa pangyayari.
"Halos mabiyak 'yung puso ko, hindi ako makapaniwala na isa siya 'dun sa nasawi... Para bang sinukluban ka ng langit at lupa"
Lalo na itong naging emosyonal nang makita ang naulilang apat na taong gulang na anak ni Nigel na tila wala pang alam sa nangyari.
""'Yung anak niya, sabi sa akin, 'my dad is coming back on Sunday'"
Tatlong buwang nagdadalang-tao ang kanyang misis na pinalalakas din nila ang loob sa nangyari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isa sa mga kapatid ng nasawi sa naturang plane crash ang nagbahagi na nakapag-video call pa umano si Army Private Archie Barba sa kanila. Hindi raw niya inaasahan na ito na pala ang magiging huling pag-uusap nila ng kanyang kapatid.
Labis din ang paghihinagpis ni retired colonel Wilfredo Tato sa pagkasawi ng kanyang anak na si Lieutenant Alexandria Tato. Bago umalis patungong Sulu, naikwento pa raw nito na pamalit lamang siya sa nurse na hindi nakasama sa flight dahil may sakit ang anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh