Mother Sitang, ibinida ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos magparetoke

Mother Sitang, ibinida ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos magparetoke

- Muling ipinakita ni Mother Sitang ang resulta ng kanyang pagpaparetoke na nag-viral kamakailan

- Ibinahagi niya sa social media ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos ang kanyang pagsasailalim sa operasyon

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang naging transformation ng social media star na sumikat din noon sa Pilipinas

- Matatandaang taong 2018 kung saan naging guest pa siya ng programang "Rated K" ni Korina Sanchez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuloy-tuloy ang pasabog ni Mother Sitang matapos ang kanyang papaparetoke kamakailan. Ibinahagi niya ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos ang pagpapaopera.

Mother Sitang, ibinida ang kanyang kauna-unahang photoshoot matapos magparetoke
Mother Sitang (สิตางศุ์ บัวทอง)
Source: Instagram

Sa TikTok, umani ng samu't-saring reaksiyon ang video na kuha sa photoshoot ng social media star. Ito ay kuha sa photoshoot ng produktong kanyang ini-endorso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Serena Dalrymple, binati ng mga celebrities sa kanyang Instagram post

Sumikat si Mader Sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong daw ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Gayunpaman, muli itong nabago matapos ang kontrobersiya sa pagitan nila ng noon sana'y tatayong international manager niya na si Wilbert Tolentino na siya din naging daan upang makapunta sa Pilipinas ang sikat na social media sensation.

Naging maingay ang pagbisita ng social media sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas lalo na at namigay pa ito ng mga pagkain at pera.

Kaya naman marami ang hindi makapaniwala sa mga lumalabas na balita tungkol kay Mader Sitang. Ibinahagi ni Wilbert ang diumano'y hindi magandang karanasan niya sa Thailand.

Ayon sa salaysay ni Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

Read also

Video ng concert ni Charice Pempengco, muling binalikan ng netizens

Hiniling ni Tolentino na madeklarang persona non grata ang sikat na social media star matapos maudlot ang pagpirma sana nito ng five-year managerial contract.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel