Phivolcs, nagbabala sa muling pagsabog ng Taal: "May occur anytime soon"

Phivolcs, nagbabala sa muling pagsabog ng Taal: "May occur anytime soon"

- Sa 4:00 pm update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Hulyo 4 sinabing maaring mag-alboroto muli ang bulkang Taal

- Pinaghahanda lalo na ang mga malalapit sa lugar dahil maaring maganap ito anumang oras sa ngayon

- Ito ay dahil sa naitala nilang "26 strong and very shallow, low-frequency volcanic earthquakes"

- Kasalukuyan pa ring nakataas sa alert level 3 ang Bulkang Taal mula noong Hulyo 1

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology patungkol sa posibleng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Nalaman ng KAMI na sa inilabas na update ng PHIVOLCS ngayong Hulyo 4, sinasabing maaring mangyari ang Taal Volcano eruption na naganap noong Hulyo 1 anumang oras mula ngayon.

Ito ay dahil mula pa 12:00am ng Hulyo 4, may naitala silang 26 strong and very shallow low-frequency volcanic earthquakes' na may kasama magmatic degassing sa silangang bahagi ng isla.

Read also

Lalawigan ng Batangas, nagsisimula nang maglikas ng mga residenteng malapit sa bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa muling pagsabog ng Taal: "May occur anytime soon"
Photo: Bulkang Taal (Wikimedia Commons)
Source: UGC
"These observation parameters may indicate that an eruption similar to the 1 July 2021 event may occur anytime soon," paglilinaw ng PHIVOLCS.

Dahil dito, nakataas pa rin sa Alert level 3 ang Bulkang Taal. Binigyang diin din nila ang mga barangay ng munisipalidad ng Agoncillo at Laurel na magsilikas dahil sa panganib na nakaamba sa muling pagsabog ng bulkan.

"PHIVOLCS strongly recommends Taal Volcano Island and high-risk barangays of Bilibinwang and Banyaga, Agoncillo and Boso-boso, Gulod and eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province remain evacuated due to the possible hazards of pyroclastic density currents and volcanic tsunami should stronger eruptions subsequently occur"

Muli nilang ipinaalala na ang paligid ng Taal ay isang Permanent Danger Zone (PDZ).

"Communities around the Taal Lake shores are advised to remain vigilant, take precautionary measures against possible airborne ash and vog and calmly prepare for possible evacuation should unrest intensify"

Narito ang kabuuan ng pahayag ng PHIVOLCS:

Read also

Bulkang Taal, nakataas na sa alert level 3; malalapit sa bulkan, pinalilikas na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.

Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan.

Sa ngayon, marami na ang mga kababayan natin sa Batangas ang nakalikas mula nang maitaas ang alert level 3. Malaking tulong ang paghahanda ng lalawigan ng Batangas na agad na nagpadala umano ng mga sasakyang makatutulong sa pag-evacuate ng mga residente sa high-risk area na malapit sa Taal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica