Dani Barretto, emosyonal na nagpaalam sa kaibigang si Bela Padilla
- Ibinahagi ni Dani Barretto ang litrato ng kanyang mahigpit na yakap sa matalik na kaibigang si Bela Padilla
- Kuha ang litrato sa airport at tila nakatakdang pumunta sa ibang bansa ang aktres
- Hindi na ibinahagi ni Dani kung saan pupunta si Bela ngunit aniya, masaya siya at excited para sa kaibigan
- Sinagot din ni Bela ang mga espikulasyon ng ilang netizens kung bakit aalis si Bela
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Emosyonal si Dani Barretto sa litratong kanyang ibinahagi habang kayakap ang mtalik na kaibigang si Bela Padilla sa airport. Ibinahagi ni Dani ang kanyang mensahe sa kaibigan.
Kahit malungkot siya ay masaya umano siya at excited para kay Bela. Hindi naman nito binanggit pa kung saan pupunta si Bela.
Go and be happy, my Bely. ❤️I know I look like a wreck but I am so happy and excited for you. No goodbyes, just see you soon. I love you so much!! Facetime all the time, okay? I love you! I love youuuuu @bela !!!
Sinagot naman ni Dani ang ilang espikulasyon ng netizens kaugnay sa pag-alis ni Bela. Mariin niyang pinabulaanang buntis ito kung kaya siya aalis.
Nilinaw niya ring hindi pa ito magpapakasal matapos tanungin ng isang netizen kung ito daw ba ang dahilan ng kanyang pag-alis.
Samantala, sinagot naman ni Bela ang mensaheng ito ng kaibigan at sinabi niyang mahal niya si Dani.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger.
Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.
Kamakailan ay usap-usapan ang video ng mag-asawang kasabay na kumakain ang kanilang kasambahay.
Umani ng samu't-saring reaksiyon ang pagbati ni Dani sa inang si Marjorie ng Happy Father's Day.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh