Angeline Quinto, aminadong bumili ng motor at kotse para sa naging bf niya noon
- Ibinahagi ni Angeline Quinto na nabilhan niya ng kotse at motor ang isa sa dating nakarelasyon niya
- Naitanong din sa kanya kung inutangan na siya noon ng mga dating naging jowa niya
- Hindi na niya direktahang inamin ngunit aniya ay likas sa kanya ang pagiging matulungin
- Dito na nadulas si Angeline na nakapagbigay siya ng motor at kotse na sinundan niya ng birong baka bahay na ang susunod niyang mabibigay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kanyang Sagot o Lagot Challenge, nakwento ni Angeline Quinto na nabilhan niya ng motor at kotse ang isa sa naging jowa niya noon. Nakwento niya ito matapos madulas tungkol sa pagbibigay niya ng motor.
Biro pa ni Angeline, baka sa susunod ay bahay na ang maibigay niya.
Natanong sa kanya kung nakapagpautang na ba siya ng kanyang nakarelasyon noon. Hindi na niya diretsahang sinagot ito ngunit aniya, alam ng mga naging karelasyon niya na mapagbigay siya.
Naibahagi din ni Angge na naranasan niyang magbayad ng bill nila ng kanyang ka-date sa isang mamahaling restaurant.
Nagulat na lang siya nang lumapit ang waiter at nagkatinginan sila ng kanyang ka-date na tila nagtatanungan kung sino ang magbabayad. Siya umano ang nagbayad para sa kanilang kinain.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.
Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.
Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh