Video ng 'maid of honor' na agaw eksena sa bridal march, viral
- Nag-viral ang video ng isang 'maid of honor' na agaw-eksena sa pagpasok ng bride sa simbahan
- Sa umpisa ng video aakalaing umalalay lamang ang 'maid of honor' sa gown ng bride na may kahabaan ang tail
- Subalit ang nakapagtataka ay nang hablutin na halos ang buong likurang bahagi ng gown ng bride
- Ayon sa wedding coordinator, na-brief naman umano ang maid of honor sa kanyang gagawin ngunit iba ang kinalabasan umano sa mismong processional ng kasal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naging usap-usapan sa social media ang umano'y 'maid of honor' na agaw-eksena sa bridal march.
Sa video na ibinahagi ni Lyn Perales Lumanse mula sa wedding organizer na si Lany Bacunawa, makikita ang biglang pagsulpot ng 'maid of honor' nang makapasok na ang bride sa simbahan.
Sa umpisa'y aakalaing umalalay lamang maid of honor sa bride na mayroong long tail ang gown.
Umasiste rin ito sa maglalagay ng veil ng mga magulang ng bride bago ito tuluyang ihatid sa altar.
Subalit habang naglalakad na muli ang bride, halos hawakan na ng maid of honor ang buong likuran ng gown nito.
Sinasabing ang kumukha ng video ay ang wedding organizer na mapapansing nagtaka rin sa ginawa ng maid of honor. Kanya naman daw itong nabigyan ng briefing sa maaring maganap sa processional ngunit iba pa rin ang nangyari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay nag-viral din ang video kung saan makikita ang isang wedding organizer na lumabas sa loob ng gown ng brider.
Paliwanag nito, mahangin daw sa outdoor wedding at hindi makalakad ng maayos ang bride kaya naman tinulungan lamang daw niya ito na makarating sa may altar ng maayos.
Samantala, hinangaan naman ang bride at groom na hindi na nagdalawang-isip na lumusong sa rumaragasang tubig upang makatawid at makarating sa venue ng kanilang kasal.
Dahil dito, maging ang mga bisita ay nakitawid na rin matuloy lamang ang pag-iisang dibdib ng mga ikakasal.
Sa bansang Indonesia naman, nag-viral din ang isang groom sa Indonesia kung saan muntik na umano itong maikasal sa ibang bride dahil sa maling direksyon na ibinigay gamit ang GPS.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip ang pagrespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh