Sinapit ng nalulong sa mobile games, magsilbing aral sa iba ayon sa kapatid

Sinapit ng nalulong sa mobile games, magsilbing aral sa iba ayon sa kapatid

- Viral ngayon ang post ng nagpakilalang kapatid umano ng isang binatilyong pumanaw

- Sinasabing ang dahilan umano nito ay ang labis na paglalaro ng mobile games

- Nagpupuyat daw ito sa kakalaro, at sa hapon kung kailan maghapon na siyang babad sa online games, saka naliligo

- Nagulat daw sila nang isang araw, hindi na ito nakakatayo at nakakagalaw

- Magsilbing aral umano sa iba ang sinapit ng kapatid lalo na sa mga kabataang hindi rin paawat sa kakalaro ng online games

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpanaw ng isa na namang binatilyo na nalulong umano sa paglalaro ng mobile games.

Nalaman ng KAMI na ang kapatid umano nito na si Cami Rosario ang nagbahagi ng sinapit umano ni 'Trunks.'

Madalas umano itong magpuyat sa paglalaro. Pagdating ng hapon, kung kailang nakapagbabad na ito sa kanya pa ring online games, saka ito maliligo.

Read also

Ate Gay, inaming 'may attitude' siya; "Pero mali pala 'yon"

Gawain ng pumanaw na nalulong sa mobile games, ikinuwento ng kapatid para magsilbing aral sa iba
Photo: Trunks Rosario (Camo Rosario)
Source: Facebook

Napansin na lamang nila isang araw na tila nawala na sa matinong isip si 'Trunks' na hinahanap ang 'marami niyang pera.'

Nadala ito sa pagamutan kung saan negatibo naman umano ito sa COVID-19.

Kaya naman napagdesisyunan na lamang muli ng pamilya nito na siya ay iuwi.

Ipinakausap pa ito sa ilan niyang mga tropa sa pagbabaka-sakaling babalik muli ito sa katinuan.

Ngunit ang masaklap, hindi na ito makatayo at makalakad.

Hunyo 27 ng kasalukuyang taon, labis nitong ginulat ang kanyang mga kaanak nang unti-unti na lalo itong manghina hanggang sa malagutan ng hininga.

"Hanggat nagpaalam na siya samin lumuha pa nga siya at pilit na lumalaban kaso ayaw na ng katawan niya. Masakit pero kakayanin namin kaysa makita namin siya araw-araw,minu-minutong nahihirap sa kalagayan niya," pahayag ni Cami sa kanyang post.

Aniya, magsilbing aral ang sinapit ng kapatid lalo na sa mga kabataan ngayon na hindi maawat at labis-labis ang oras sa paglalaro ng mga online games.

Read also

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang inang OFW ang nagbahagi ng sinapit ng kanyang naka na babae na nasobrahan din umano sa paglalaro ng mobile games.Naagapan pa umano ang dalagita na agad na nadala sa ospital.

Samantala, nag-viral din ang post tungkol sa isang babae sa Indonesia na nagawang ibenta ang motor ng ama makalipad lang sa Jakarta kung saan naroon ang kanyang crush at kalaro sa online games. Ang masaklap, hindi siya sinipot nito.

Isaisip natin sa tuwina ang kasabihan na "anumang labis ay nakasasama." Maaring ang mobile games ay nagsisilbing libangan ng iba subalit kung nasobrahan, maari naman itong makaapekto sa ating kalusugan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica