PNoy, "simple" at di magarbo ayon sa malalapit niyang kaibigan at nakasama sa Tarlac

PNoy, "simple" at di magarbo ayon sa malalapit niyang kaibigan at nakasama sa Tarlac

- Isang eulogy ang ginanap sa Tarlac bilang pag-alala pa rin sa yumaong dating Pangulo na si Noynoy Aquino

- Dinaluhan ito ng ilang malalapit na kaibigan ng dating Pangulo gayundin ng mga nakasama at tauhan nila sa Hacienda Luisita

- Karamihan sa kanila, ibinahagi ang pagiging simple ni PNoy na mahilig sa musika at maging sa ilang putahe sa karinderya

- Hindi rin naman naiwasan na maging emosyonal ng ilang malalapit sa kanya na hindi makapaniwala sa kanyang biglaang pagpanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw matapos na maihatid sa huling hantungan ang yumaong dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino III, nag-alay pa rin ng eulogy ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan.

Nalaman ng KAMI na dinaluhan din ito ng kanilang mga tauhan at mga nakasama sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Read also

Kris Aquino, nagpahanda ng mga awiting alay kay PNoy na mahilig sa musika

Unang nagbigay ng pahayag ang Willie Espino, ang katiwala ni PNoy nang maging field manager siya sa nasabing Hacienda.

PNoy, inalala ng mga kaibigan at mga nakasama sa Hacienda Luisita
Former President Noynoy Aquino with sister Kris Aquino and his nephews Bimby and Josh (@krisquino)
Source: Instagram

Halos hindi raw siya makapaniwala na pumanaw na ang kanyang 'Sir Noy' na labis niyang pinasasalamatan dahil sa pagsuporta nito sa pagpapaaral ng kanyang mga anak.

Kinailangan pa niyang makita sa balita sa telebisyon ang pag-aanunsyong pumanaw na si PNoy bago niya ito tuluyang matanggap.

Tulad ng paglalarawan ng marami, mahilig sa musik at maging sa sisig sa karinderya at dating Pangulo.

Sa pag-alala naman ni Ret. AFP. Gen. Gregorio Pio Catapang, "simple" at hindi mapagmataas si PNoy kahit noong naging Presidente na siya ng Pilipinas.

"Lalabas siya ng kwarto niya... Bakit ganun 'yung short ni PNoy, parang lumang-luma na? Favorite niya 'yan, shorts niya 'yan noong high school pa"

Wala man ang mga kapatid ng dating Pangulo sa ginanap na pagtitipon, Naroon naman ang kanyang mga pamangkin na sina Bimby at Josh Gayundin ang dating senador na si Bam Aquino.

Read also

Househelp ni PNoy sa loob ng 30 taon, isa sa mga labis na nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw

Kwento ng pamangkin na si Bam, pinakamasaya ang dating Pangulo tuwing naroon ito sa Tarlac na talagang malapit umano sa puso nito.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, nagpaunlak din na magbigay ng mensahe ang ilan pang mga kaanak ng dating Pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica