Willie Revillame sa umano'y isyu kay John Lloyd Cruz; "Ano ba? Nananahimik ako dito"

Willie Revillame sa umano'y isyu kay John Lloyd Cruz; "Ano ba? Nananahimik ako dito"

- Nagsalita na ang 'Wowowin' host na si Willie Revillame kaugnay sa umano'y 'disappointment' nito kay John Lloyd Cruz

- Umugong ang balitang hindi na umano matutuloy ang sitcom na magkakasama sana ang dalawa

- Ito ay dahil sa may nakita raw si Willie kay John Lloyd na tila hindi nito nagustuhan

- Pinabulaanan naman ni Willie ang lumalabas na haka-haka at sinabing 'busy' lamang talaga siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binasag na ni Willie Revillame ang kanyang katahimikan sa isyung iniuugnay sa kanya at sa pagbabalik showbiz ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Nalaman ng KAMI na umugong ang balita kamakailan ng umano'y pagback-out ni Willie sa dapat sana'y sitcom na pagbibidahan nila ni John Lloyd kasama rin si Andrea Torress.

Sinasabing 'disappointed' umano ang 'Wowowin' host kay John Lloyd at tila may nakita raw itong hindi niya nagustuhan sa ginanap na cash party.

Read also

CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity

Willie Revillame sa umano'y isyu kay John Lloyd Cruz; "Ano ba? Nananahimik ako dito"
Photo: Willie Revillame kasama ang mga boss ng GMA network (Wowowin-Tutok to Win)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, pinabulaanan ni Willie ang mga alegasyon patungkol sa pagkadismaya niya sa aktor.

“Walang Ganun!” sa pahayag ni Willie na naibahagi rin ng Manila Bulletin.
“Ano ba? Nananahimik ako dito, bakit ba nila ako idinadamay sa mga issue kay John Lloyd?”

Gayunpaman, inamin ng 'Tutok to Win' host na hindi na matutuloy ang sitcom dahil sobrang 'busy' na umano niya.

“Para na nga akong binugbog pagkatapos kong makipag-meeting. Tapos may mga inaasikaso pa ako sa sa pang-ayuda sa mga kababayan natin"
"Lumilipad pa kami sa malalayong probinsiya. Inaasikaso ko pa ang hotel na ipinagagawa ko sa Mindoro pati ang hotel ko sa Tagaytay. Saan ko pa ilalagay ang sarili ko?”

Sa kabila nito, nilinaw naman niyang walang hidwaan na namamagitan sa kanila ni John Lloyd at patuloy pa rin niya itong susuportahan sa anumang maari niyang maitulong sa aktor.

Sa ulat ng Inquirer, nito lamang Hunyo 6, naging opisyal ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd sa industriya ng showbiz makalipas ang apat na taong pamamahinga.

Read also

Delivery riders, ibinida ang 'Rider's lounge' sa loob ng isang mall sa Las Piñas

Hindi nito napigilang maging emosyonal sa muling pagtapak niya sa entablado sa isang Shopee event kung saan una niyang nakasama si Willie Revillame na kanya pang pinasalamatan.

Matapos ang naturang event, naging usap-usapan na ang pagsasama sana nina John Lloyd at Willie sa isang programa na naiulat sa sa GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayamang artista sa Pilipinas.

Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."

Kamakailan, nag-viral ang video ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinihimok pa rin nito si Revillame na tumakbo sa pagka-senador sa Halalan 2022.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel