PNoy, nagdalawang-isip tungkol sa kidney transplant ayon kay Kim Henares
- Sa pagpanaw ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, maraming kwento mula sa malalapit na tao sa kanya ang umantig sa publiko
- Kabilang na dito ang salaysay ng dating Bureau of Internal Revenue Commissioner na si Kim Henares
- Natagalan umano bago makumbinsi ang dating panulo na pumayag na sumailalim sa kidney transplant
- Ito ay sa kadahilanang iniisip niyang baka maaagawan niya ng oportunidad ang ibang taong mabuhay sakaling tumanggap siya ng kidney mula sa isang donor
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuloy-tuloy ang patotoo ng ilang taong naging malapit sa yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kabutihang loob nito.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Bureau of Internal Revenue Commissioner na si Kim Henares, natagalan pa bago napapayag ang dating pangulo na sumailalim sa kidney transplant.
Iniisip umano niyang maaring maaagawan niya ng oportunidad ang ibang taong mabuhay sakaling tumanggap siya ng kidney mula sa isang donor.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si PNoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Samantala, nitong araw ng Sabado, June 26, 2021 ng hapon, naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng yumaong pangulo.
Maging ang kanyang aso ay naroroon din sa libing ni PNoy. Marami ang naantig sa emosyonal na pamamaalam ni Kris Aquino sa kanyang kuya nang siya mismo ang nagpasok ng abo nito sa huling himlayan ni PNoy sa tabi ng kanilang mga magulang.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh