Paula Peralejo, ibinahagi ang paraan ng anak na malibang habang nasa isla

Paula Peralejo, ibinahagi ang paraan ng anak na malibang habang nasa isla

- Ibinahagi ni Paula Peralejo ang kanyang kasiyahan kung paano nagawan ng paraan ng kanyang anak na malibang kahit walang mga laruan

- Kasalukuyang nasa isla ang kanilang buong mag-anak at nanirahan sila doon ng ilang buwan na

- Ayon kay Paula, dahil wala ang carpentry tools ng kanyang anak, nagawan niya ng paraan para makagawa ng laruan mula sa mga bagay na kanyang napupulot sa paligid

- Aniya, nakakabigay ng kapanatagan sa kanya na sakali mang mawala sa kanila ang tinatamasang kasaganahan sa buhay, kakayanin ng anak niyang makapag-adjust

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram account, kadalasang nagbabahagi si Paula Peralejo ng kanyang mga karanasan bilang ina sa kanyang anak lalo ngayong naninirihan sila sa Boracay ng mahigit tatlong buwan na.

Paula Peralejo, ibinahagi ang paraan ng anak na malibang habang nasa isla
Paula Peralejo (@mama_the_explorer)
Source: Instagram

Ibinahagi niyang dahil wala ang carpentry tools ng anak, natutunan nitong lumikha ng kanyang mapaglalaruan gamit lamang ang mga bagay na kanyang nakikita sa paligid.

Read also

Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal

Nakagawa ito ng bangka gamit lamang ang napulot sa dalampasigan. Ani Paula, nakakabigay ng kapanatagan sa kanya na sakali mang mawala sa kanila ang tinatamasang kasaganahan sa buhay, kakayanin ng anak niyang makapag-adjust.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Paula Peralejo o Maria Elena Paula Bautista Peralejo-Fernandez sa tunay na buhay ay dating aktres na nakilala sa pagiging bahagi ng ilang youth oriented show na Gimik at Tabing Ilog. Nakilala din siya bilang nakababatang kapatid ng aktres na si Rica Peralejo.

Matapos nga niya tumigil sa pag-aartista, naging stay-at-home mom si Paula. Kamakailan ay nag-react siya sa mga taong may negatibong komento kaugnay sa kanyang pagiging housewife.

Naibahagi din ni Paula na kontento siya sa kanyang buhay bilang isang ina sa kanyang anak at mas pipiliin muna umano niyang mag-focus sa anak kaysa tumanggap ng mga pangmatagalang TV projects.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel