Pasyenteng pumanaw dahil sa COVID-19, umabot sa Php 3.3 million ang bill sa ospital
- Inilahad ng pumanaw na COVID-19 patient ang hirap na dinanas nila ng kanyang ina bago ito pumanaw
- Maging siya kasi ay kagagaling lamang noon sa COVID-19 ngunit pinili niyang alagaan ang ina at sumama sa ospital
- Naging kritikal kasi ang kalagayan ng ina at kaya tinanggihan na sila ng unang ospital na napuntahan na aminadong kulang sa kagamitan
- Dahil sa pribadong ospital na nadala ang kanyang ina, lumobo ng milyon ang kanilang bill subalit hindi rin ito nakaligtas sa nakamamatay na virus
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isinalaysay ng anak na si Cristina Villar ang pakikipaglaban ng kanyang "Nanay Cita" sa COVID-19 kamakailan.
Nalaman ng KAMI, umabot sa Php3.3 million ang bill nila sa ospital pasyente na kalauna'y pumanaw din.
Ayon kay Cristina, una nilang dinala sa pampublikong ospital ang kanyang ina ngunit agad silang pinayuhan na maghanap na ng ibang ospital gayung aminado silang kulang na sila sa pasilidad.
Kritikal na noon ang lagay ni Nanay Cita na patuloy na umano ang pagbaba ng oxygen level.
Dahil dito, sa isang pribadong ospital na siya dinala at papayag na sana ni Cristina kahit sa ward lamang sila upang makatipid.
Subalit ilang sandali lamang ay agad nang dinala sa intensive care unit ng ospital si Nanay Cita dahil sa paglala ng kanyang kalagayan.
Nagdesisyon na rin si Cristina na samahan ang ina sa ospital gayung kagagaling lamang niya sa COVID-19.
Sa bawat pagdaan ng mga araw, palaki ng palaki ang bill nila sa pagamutan at umabot na nga ito sa milyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Tinutulungan naman si Cristina ng kanyang kapatid na nasa Taiwan subalit aminado silang kulang pa rin ito sa paglaki ng hospital bill.
Gumawa na siya ng "online limos" para makabawas sa malaking gastusin sa pagpapa-ospital ng ina kung saan umabot naman sila sa mahigit Php600,000.
Subalit ilang mga araw pa ang nagdaan, binawian din ng buhay ang kanyang ina.
"Lahat ginawa mo, lahat ginawa niya, pero walang nangyari... Nabaon ka pa sa utang," ang hinagpis ni Cristina sa sinapit ng kanyang ina.
Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na naibahagi sa GMA News and Public Affairs:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ngayon, patuloy na ang pagdami ng mga mamamayang nagpapabakuna kontra COVID-19. Ilan sa kanila ay ang mga kilalang personalidad na nakakahikayat umano lalo na sa kanilang mga fans na magpabakuna na rin lalo na at libre ito mula sa gobyerno.
Kamakailan ay nilinaw din ng DOH kung saang mga lugar na lamang nangangailangan ng paggamit ng face shields.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh