Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

- Nilinaw ng dating PBB housemate na si Niña Jose ang tungkol sa lumabas na write-up tungkol sa kanya kaugnay sa kanyang mga anak

- Ibinahagi niyang ang anak nila na si Julius ay hindi nawala sa kanila dahil sa miscarriage

- Ito umano ang unang anak ng kanyang asawa na pumanaw noong 2018 sa edad na 44

- Hindi man siya ang biological mother ng yumaong anak, mahal niya umano ito kagaya ng pagmamahal niya sa lahat ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang lalong humanga sa dating Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 housemate na si Niña Jose sa pagiging mapagmahal na ina nito sa walong anak nila ng asawang si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na isa sa walong anak
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Gardo Versoza, pinakita ang ilan sa kanyang mga high heels na sapatos

Sa kanyang Facebook post, nilinaw nito na 44-anyos na ang anak na si Julius nang pumanaw ito taong 2018 at nami-miss nila umano ito maging ang anak niyang si Isabello na nawala sa kanila nang siya ay makunan noong December, 2019.

Samantala, sa kanyang ibinahaging paglilinaw, isang netizen ang nagtanong bilang paglilinaw sa edad ni Julius sa pag-aakalang nagkamali lamang ng inilagay si Niña. Tinanong niya ang dating aktres kung 44 years o days.

Tugon ni Niña, "Our son Julius was 44 years old. He is Cezar’s first born son."

Sa isang comment ay sinabi niyang walo lahat ang anak nila. Anim na stepchildren kung saan kabilang si Julius na pumanaw na at dalawang anak nila kasama si Isabello. Nilinaw niyang mahal niya ang lahat ng kanyang mga anak.

I have 6 stepchildren, 1 of which is in heaven(julius), and 2 kids with Cezar. 1 in heaven(isabello)Personally it doesn't really matter if theyre my step children or children. I love them all the same. All in all i have 8 kids. And i also have 1 grandchild. This shouldnt be an issue.

Read also

Online seller, nakamit ang kanyang 'dream house' sa loob lang ng tatlong taon

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Sunshine Dizon, puring-puri ang dating asawa sa pagiging tatay sa anak nila

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel