Online seller, nakamit ang kanyang 'dream house' sa loob lang ng tatlong taon
- Kahanga-hanga ang isang online seller na nagawang makamit ang kanyang dream house makalipas lamang ang tatlong taon
- Aminado man siyang hindi niya ito basta-basta na makakamit ngunit dinaan niya ito sa matinding tiwala sa Diyos
- Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya nang magsimula siya ng kanyang negosyo
- Umabot sa 14,000 ang mga positibong reaksyon ng viral post na nakapagbigay inspirasyon nsa marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa nakaka-inspire na kwento ng negosyanteng si Dana Mandia na nakamit ang kanyang pinapangarap na bahay sa loob lang ng tatlong taon.
Nalaman ng KAMI na tatlong taon na ang nakararaan nang sabihin niya sa sarili ang “One day.” Ito ay patungkol sa pagkakaroon niya ng sariling tahanan.
At kamakailan lamang, nakamit niya ito at emosyonal na ibinahagi ang kanyang kwento tungkol sa mga dinanas at pinagdaanan niya maisakatuparan lamang ang isa sa kanyang mga pinapangarap.
"For years, I have been praying for this, pero naisip ko masyado pa kong bata to dream this big so I let go of it. However, You reminded me that no matter how big my dream is, you are always bigger."
"Last year, You reminded me of it. You reminded me of how excited I were 3 years ago."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ibinahagi niya ang pagkakaroon niya ng ilang plano sa mga kaganapan sa kanyang buhay at sa online business nang sa ganoon, mayroon umano siyang back-up plan sakaling hindi maging matagumpay ang talagang nai-plano.
Subalit na niniwala siyang ang Diyos ang 'nagplano" at tumupad sa kanyang mga pinagsusumikapan.
“Anak, ito yung house na ibibigay ko sa’yo. Mukang impossible sa’yo, pero walang impossible sa Akin.”
Kaya naman kalakip ng kanyang post ang mga larawan ng kanyang tahanan at mga espesyal na tao na kanyang pinasasalamatan sa pagsuporta sa kanya.
Makikita rin ang dami ng mga orders sa kanya na naging susi upang makamit na ang bahay na matatawag niyang sa kanya.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan lamang ay bumilib ang marami sa 17-anyos na si Clara Matos na nakapagpatayo rin ng sarili niyang tahanan dahil sa kanyang raket na paglalako noon ng merienda at online selling.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Siya ang naghahanapbuhay para sa kanilang mag-ama dahil na-stroke na ito at iniwan naman sila ng kanyang ina.
Bukod sa sariling tahanan, nakapagpatayo na rin siya ng sari-sari store na siyang pinagkukunan nila ng panggastos nilang mag-ama.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh